top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Horoscope | Nobyembre 16, 2022 (Miyerkules)

BULGAR
Nov 16, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Nobyembre 16, 2022


Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 16, 2022 (Miyerkules): Higit kaninuman, ikaw ay may mayamang imahinasyon. Isang katangian ang taglay ng mga dakilang imbentor na ikaw mismo ay puwedeng mapabilang.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nasa iyo ang sapat na lakas ng loob para makuha nang mabilis ang anumang gusto mo sa buhay. Gamitin mo ang lakas ng loob mo nang sa gayun ay malubos ang iyong kagalakan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-19-21-23-28-33.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Maglalaho ang iyong pag-aalinlangan kung mapasasaiyo ang pinapangarap mo dahil bibigyang-linaw ng langit ang lahat. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-14-16-26-27-34.

GEMINI (May 21-June 20) - Mahina ang iyong mga kalaban ngayon, kaya samantalahin mo upang sila ay maiwanan nang milya-milya. Gayunman, kikilos sila na parang sila ay malakas, pero huwag mong paniwalaan dahil ang totoo ay mahina talaga sila. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-12-20-24-29-30-32.

CANCER (June 21-July 22) - Kailangang matalo mo ang iyong takot dahil ang totoo, ang takot na nararamdaman mo sa kasalukuyan ay likha lang ng iyong negatibong kaisipan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-15-21-29-33-37-39.

LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong ikalungkot ang hindi pagtanaw ng utang na loob ng ilang natulungan mo. Sa halip, lihim kang matuwa dahil ito ang kondisyon upang lalo kang buwenasin. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-18-25-26-34-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Dagdag na suwerte ang iyong makukuha pagkatapos mong buwenasin. Kaya masasabing, kambal ang magagandang kapalaran na darating sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-14-21-27-31-36.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang maghintay. Kumilos ka ayon sa plano mo dahil sa paghihintay, mauunahan ka ng iba. Pero sa pagkilos, aanihin mo ang lahat ng bunga ng iyong mga plano. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-11-16-20-21-23.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kikilos ang kapalaran mo para mapalapit ka sa tagumpay. Mangyayari ito kahit nag-aalinlangan ka at punumpuno ng negatibong kaisipan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-13-15-25-32-38.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hayaan mong lumayo sa iyo ang mga ayaw sa ikinikilos mo. Babalik din naman sila dahil makikita nilang mali sila at ikaw ang tama. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-12-22-28-31-32-39.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ipapakita ng langit na mas pinahahalagahan ang tulad mong hindi naaapektuhan ng mga paninira. Palagi kang magpasalamat sa nasa itaas dahil ito ang iyong obligasyon. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-14-16-18-22-25-31.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mamasyal ka kahit sandali lang. Ito ang mabisang panlaban sa pagkabagot at kalungkutan. Sa pamamasyal, hindi ka lang sasaya kundi mananariwa pa ang iyong kasiglahan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-17-20-21-26-29-30.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong paniniwalaan agad ang mga bulung-bulungan. Magmatyag at mag-obserba ka nang sa gayun ay may matibay kang pagbabatayan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-25-28-36-39-40.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page