Horoscope | Nobyembre 16, 2020 (Lunes)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| November 16, 2020
Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 16, 2020 (Lunes): Malayo ang iyong mararating, ibig sabihin, magiging matagumapay ang iyong buhay. Huwag mong kalimutan ang mga nakatulong sa iyo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Gamitin mo ang iyong imahinasyon nang sa gayun ay magbalik ang dating magandang takbo ng iyong buhay. Walang limitasyon ang iyong imahinasyon. Ito ang dapat mong ilagay sa isipan mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-29-31-39-48-55.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Pakinggan mo ang payo ng matatalik mong kaibigan dahil higit ka nilang kilala kaysa sa pagkakakilala mo sa iyong sarili. Ito ang katotohanan, kaya tanggapin mo nang walang pag-aalinlangan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-19-25-30-35-44.
GEMINI (May 21-June 20) - Malayo ang iniisip mo sa katotohanan. Ang payo ay nagsasabing huwag mong dayain ang iyong sarili. Kung ano lang ang nahahawakan ng iyong mga kamay, 'yun lang ang kabilang sa reyalidad. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-17-20-21-25-31.
CANCER (June 21-July 22) - Minsan, kailangan ng tao ang magpapataba ng kanyang puso. Para sa iyo, sila ang mga lagi mong nakakasama sa pagsasaya. Ngayon ay kailangan mo sila nang mawala ang iyong lungkot. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-16-29-30-33-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Ingatan mong magsalita ng hindi totoo sa iyong kapwa dahil makikitang sila ay maniniwala sa iyo. Mas maganda na pawang katotohanan lang ang lalabas sa iyong dila. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-29-30-31-38-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Labas-pasok sa isipan mo ang magandang ideya na kahit hindi mo magawa ngayon ay puwedeng gawin sa ibang pagkakataon. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-18-22-26-31-37-43.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Gawin mo kung ano ang gusto mong gawin kahit mahirapan ka. Sa ganitong paraan, madarama mo na malaya ka at hindi ka alipin ninuman. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-17-24-39-40-47.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Sabihin mo ang nasa kalooban mo nang sa gayun ay lumuwag ang iyong damdamin. Huwag kang mag-alala dahil papaganda nang papaganda ang lahat para sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-14-15-25-37-40-47.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung sino ang dating inasahan mo, siya muli ang makatutulong sa iyo. Huwag ka nang sumubok pa sa iba dahil sasakit lang ang ulo mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-10-14-16-28-39.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Luwagan mo ang iyong mga patakaran sa kung sino ang iyong tutulungan. Kahit naman maagrabiyado ka, muli at muling saklolo ang langit sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-12-15-26-27-38-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Lagyan mo ng saya ang iyong buhay. Magkuwento ka ng masasayang pangyayari. Makipagkuwentuhan ka rin sa mga masayahin. Muli, lagyan mo ng saya ang buhay mo ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-20-21-24-36-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Suwerte ka ngayon, kaya huwag kang mag-alinlangan. Makipagsapalaran ka at mananalo ka. Pero sa totoo lang, kahit hindi ka makipagsapalaran ay dadalawin ka pa rin ng mga suwerte. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-22-29-30-31-32-43.




Comments