Horoscope | Nobyembre 12, 2026 (Huwebes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | November 12, 2026

Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 12, 2026 (Huwebes): Hindi ka bibiguin ng iyong kapalaran at magkakaroon ka pa ng magandang buhay. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Dama mo na mahina ang personalidad at parang kapos sa katuwiran ang mga taong nasa paligid mo. Gayunman, hayaan mo lang sila, dahil hindi makakabuti sa’yo kung pupunahin mo pa sila. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-13-20-24-39-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ito ang araw na inuutusan ka ng langit na isantabi muna ang takot. Kailangan mo maging matapang ngayon upang masunggaban mo ang magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-2-11-19-23-30-35.
GEMINI (May 21-June 20) - Aangat ang kalagayan mo kapag kumilos ka nang kumilos. Sa kasalukuyan, sobrang mahalaga ang pagkilos kaysa sa iba pang bagay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-3-18-21-33-36-42.
CANCER (June 21-July 22) - Hindi mo puwedeng ipagsawalang-bahala ang mga problema na nasa iyong harapan. Harapin mo at makikita mong ang mga suwerte ay sasaiyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-14-22-27-34-38.
LEO (July 23-Aug. 22) - Dumadapo ang mga suwerte sa mga taong tuluy-tuloy na nagsisikap. Kaya ipakita mo ngayon sa langit na hindi ka natitinag sa mga pagsubok na sapat na para sukuan ng iba. Masuwerteng kulay-ocher yellow. Tips sa lotto-4-15-29-31-37-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong pahirapan ang sarili mo. Magsaya ka. Kapag nagsasaya ang tao, nagkakaroon siya ng positibong pakiramdam na magbibigay sa kanya ng magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-6-12-25-32-39-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kasabay ng pagbabalik ng minsang naging bahagi ng iyong buhay, babalik din sa iyo ang mga panahon na ang mga suwerte mo ay parang hindi nauubos dahil sa sobrang dami. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-16-21-27-33-43.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung ano lang ang kaya mo, iyon lang dapat ang maging paunang puhunan mo. Huwag kang tumulad sa naghahanap pa ng mas malaking puhunan na sa huli ay walang nagawa kundi ang magsisi. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-17-28-32-35-38.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hawak mo ang iyong kapalaran ngayon. Kung ano ang gusto mo sa buhay, iyon din ang gusto ng langit. Kaya huwag mo nang sayangin ang magandang pagkakataong ito. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-19-22-30-36-44.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Langit mismo ang kikilos para sa mga bagay na hindi mo kaya. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-golden yellow. Tips sa lotto-5-14-20-29-31-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Masusumpungan mo na ang iyong sarili na yakap-yakap ang iyong suwerte. Kaya huwag mong kalimutan ang mga taong tumulong sa iyo sa panahon ng iyong kagipitan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-11-16-23-28-34.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Tatangkain ng mga lihim mong kaaway na pabagsakin ka, pero ang nakakagulat at nakakamangha, sila ang makakaranas ng pagbagsak ng kabuhayan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-13-24-27-35-45.



Comments