Horoscope | Nobyembre 10, 2026 (Martes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | November 10, 2026

Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 10, 2026 (Martes): Ikaw ang tagapagbigay ng lakas, sigla, at init sa buhay ng mga taong mahihina at nawawalan ng pag-asa. Ito ang papel mo sa mundo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong tanggihan ang taong humihingi ng tulong sa iyo. Kahit paano, makibahagi ka sa mga pangangailangan niya. Sa ganitong paraan, mapapanatili ang magandang pagsasamahan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-10-23-29-34-36.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Oo, magandang maging mabait. Pero kapag sumosobra na at paulit-ulit na ang pang-aabuso sa kabaitan mo, puwede mo na siyang huwag pansinin, at sa iba mo naman ibaling ang iyong kabaitan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-19-26-30-35-40.
GEMINI (May 21-June 20) - Kontrolin mo ang paglalakwatsa na para bang lagi kang naghahanap ng saya. Sa totoo lang, hindi naman malungkot ang buhay mo. Ang isa pang totoo, sobra ka na nga sa pagsasaya. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-10-20-28-31-43.
CANCER (June 21-July 22) - Mababa ang loob mo ngayon. Ibig sabihin, madali kang bibigay sa mga nagkukunwaring kaawa-awa. Ang payo para sa iyo ay lumayo ka muna sa mga paladaing. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-6-13-24-27-29-37.
LEO (July 23-Aug. 22) - Iyo ang araw na ito. Gayunman, gawin mo pa rin anumang gusto mo. Kapag dumating ang araw na nagawa mo na ang lahat ng gusto mong gawin, para ka na ring tumama sa lotto. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-14-16-22-32-34.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Bigyan-daan mo ang pakikipagbalikan. Oo, nasa katuwiran ka, pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay katuwiran ang dapat pairalin. Mas magandang sundin pa rin ang bulong ng damdamin. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-18-21-25-32-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Oo, humahanga ka sa isang galante, pero pigilan mo ang sarili mong mahalin siya. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-11-19-23-29-35.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi ka dapat huminto dahil lamang nabigo ka. Ang tagumpay ay hindi hinuhusgahan sa unahan o sa kalagitnaan ng laban. Ang hatol ay nasa hulihan, kaya magpatuloy ka lang hanggang marating mo ang dulo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-13-17-26-31-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Aayon sa mga kagustuhan mo ang araw na ito. Pero kung wala kang anumang nais makamit, aagos lamang ang mga pangyayari at sa huli ay manghihinayang ka. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-16-20-27-30-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong tularan ang mga negatibong tao na kulang sa lakas ng loob dahil sa pag-aalinlangan. Ang tularan mo ay ang mga positibong taong nakatingin sa magandang hinaharap. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-10-28-34-36-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Bakit parang lumilipad ang isip mo? Hindi ngayon ang panahon para baguhin mo ang iyong plano. Ang unang nabuo sa isip mo ang siya ring makabubuti sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-18-25-29-38-43.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ito ang araw na inuutusan ka ng langit na itigil mo na ang pagpaplano at pangangarap tungkol sa buhay. Ang mas dapat mong gawin ay kumilos at humakbang. Anuman ang unang maisip mo, isagawa mo. Oo, dahil sa ganu’ng paraan ka lamang magtatagumpay at yayaman. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-8-11-15-24-39.



Comments