Horoscope | Nobyembre 12, 2020 (Huwebes)
- BULGAR

- Nov 12, 2020
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| November 12, 2020
Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 12, 2020 (Huwebes): Hahawak ka ng maraming tao dahil sa ganito ka itinalaga ng iyong tadhana. Simula nang ikaw ay isinilang, ikaw ay taga-utos at hindi alipin.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iangat mo pa ang iyong sarili sa mas mataas na lebel. Samantalahin mo ang magandang pagkakataon na malaya mong magawa ang iyong mga kagustuhan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-10-23-28-29-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mag-utos ka at masusunod ka. Puwede ring hindi ka sundin, pero ang ayaw sumunod sa iyo ay aalisan ng langit ng ilang mga suwerte at mahimala na malilipat sa mga kamay mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-19-20-34-39-40.
GEMINI (May 21-June 20) - Pababagalin ang ikot ng mahiwagang orasyon ng buhay nang sa gayun ay malasap mo pa ang tunay na kahulugan ng kaligayahan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-28-33-35-44-47.
CANCER (June 21-July 22) - Hindi sinasadyang itataas ka ng iyong mga lihim na kaaway. Ibig sabihin, dahil sa kanila, mas gaganda pa ang iyong kalagayan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-18-29-30-31-37-49.
LEO (July 23-Aug. 22) - Matamis ang bunga ng pinagsikapan. Ito ay iyong alam kaya kahit may kasarapan ang iyong buhay, mas pipiliin mong mahirapan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-10-24-35-47-48.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kumilos ka na parang hawak-hawak mo na ang iyong gusto. Ito ay isa sa mga susi ng tagumpay na nagsasabing kapag inangkin ang nasa isip pa lang ay tiyak na aangkinin din sa reyalidad. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-18-21-23-26-33.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Papabor sa kagustuhan mo ang mga nakatataas. May ilang kokontra pero sa huli ay makikiisa rin para bigyan ka ng kasiyahan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-19-21-25-33-36.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Naaayos din ang anumang problema. Tulad ng tubig na nahulog sa lupa, sa huli ay napapanatag na rin ang galaw niya. Ito ay lihim ng buhay na iyo ring mauunawaan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-17-24-26-32-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Iyung-iyo ang araw na ito. Gawin mo na ang anumang gusto mong gawin dahil langit mismo ang makakalaban ng kokontra sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-12-20-33-38-40-46.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Dumikit ka sa matataas at tiyak na tataas din ang iyong kalagayan. Dumikit ka sa mga bumabagsak, baka masama ka sa kanilang pagbagsak. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-3-21-24-29-36-48.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung sino ang paboran mo, siya rin ang papaboran ng langit. Kalabisan na kung sabihin na kung sino ang kagalitan mo ay kagagalitan din Niya. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-10-18-29-38-40-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Suwerte ka ngayon. Dapat alam mo ang ginagawa ng taong masuwerte, kaya gawin mo agad kung alam mo na. Ang isa pang dapat mong malaman ay bawal sa iyo ang mag-alinlangan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-18-29-30-34-43.




Comments