top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | Mayo 9, 2022 (Lunes)

BULGAR
May 9, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| May 9, 2022


Sa may kaarawan ngayong Mayo 9, 2022 (Lunes): Lumaban ka at ikaw ay mananalo. Huwag kang lumaban at walang mangyayaring maganda sa buhay mo. Kaya labanan mo ang anumang hamon ng iyong kapalaran.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyung-iyo ang araw na ito. Hinihintay na ng langit ang kahilingan mo, kaya sabihin mo nang direkta at simple. Ang bawat panalangin ay hindi na kailangan pang lagyan ng kung anu-anong salita na dekorasyon lang naman. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-19-20-27-30-33.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kumilos ka na parang nakuha mo na ang gusto mo. Hindi magtatagal at mapasasaiyo rin ang mga ito. Huwag kang mag-alinlangan sa iyong kakayahan, lalo na sa panahong ito na suwerte mismo ang lalapit sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-19-24-25-38-40-42.

GEMINI (May 21-June 20) - Mabilis masira ang sobrang paggamit ng isang bagay. Ikaw ay pinaaalalahanan na malapit nang masobrahan sa pagod. Mas makabubuting mag-ingat nang hindi ka magkasakit. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-14-24-25-38-40-41.

CANCER (June 21-July 22) - Tatapang ka ngayon, pero ang payo ay huwag mong gamitin ang tapang mo sa pakikipag-away. Mas maganda na ang tapang ay mapunta sa pagpapaunlad ng buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-15-23-27-35-36-41.

LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi ka mabibigo kung kikilos ka. Kapag hindi ka kumilos, mapapabilang ka sa mga talunan na hindi na nakalaban pa kahit kailan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-11-13-20-34-39.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Dumikit ka sa malalakas ang loob nang lumakas din ang iyong loob. Ito ang isa sa mga susi ng tagumpay, kaya muli, dumikit ka sa malakas ang loob. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-17-23-35-41-45.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Inspirasyon ang hatid mo sa isang taong pagod na sa buhay. Dahil sa iyo, ipagpapatuloy niya ang kanyang malalaking pangarap. Bilang ganti, aalayan ka naman niya ng sarap ng buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-18-19-21-23-38.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Papaganda nang papaganda ang takbo ng iyong kapalaran. Ang mga problema mo ay isa-isang nagtatakasan sa iyong harapan. Ito ang masuwerteng balita para sa iyo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-16-22-24-27-30-33.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong pansinin ang kung anu-ano ang sinasabi sa iyo. Ituring mo silang mga aso na tahol nang tahol na hanggang du’n lang naman ang kayang gawin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-22-25-34-35-44.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Galing sa maliit ang malaki. Kaya magandang pagkakataon para sa iyo ang pagkakaroon ng maliit na puhunan. Oo, lalaki rin ang iyong puhunan, dahil muli, ang maliit ay lumalaki. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-12-25-29-30-31-38.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kapag nagalit ka, talo ka. Kapag ang nagalit ay ang nagpapagalit sa iyo, siya ang talo. Huwag mong patulan ang mga ito nang sa gayun ay siya mismo ang magalit. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-19-20-24-28-31-35.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ipakita mo sa langit na buo ang loob mo. Magugulat ka dahil malalaki at magagandang kapalaran ang ihuhulog sa iyong harapan. Ito ang balita para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-15-21-27-29-39-43.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page