top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | Mayo 8, 2022 (Linggo)

BULGAR
May 8, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| May 8, 2022


Sa may kaarawan ngayong Mayo 8, 2022 (Linggo): Nakakatuwa ang kapalaran mo. Ang dating mga nang-api sa iyo ay lalapit dahil nangangailangan ng iyong tulong. Ito ay dahil aangat ang buhay mo habang siya naman ang maghihirap.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ituloy mo lang ang iyong mga plano. Maraming kokontra sa iyo pero huwag kang mayayanig. Tinitiyak ng iyong kapalaran na ang mga kumokontra sa iyo ay sama-samang mapapahiya. Masuwerteng kulay-royal blue. Tips sa lotto-2-17-26-29-30-31.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Tinatalo ka ng pag-aalala, pero panandalian lamang ito. Mabilis na gagalaw ang kamay ng orasan ng iyong kapalaran at ikaw ay makikita ring binubuwenas muli. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-7-18-24-27-34-45.

GEMINI (May 21-June 20) - Makipagsapalaran ka at mananalo ka. Pero kahit hindi ka makipagsapalaran, ang mga suwerte ay magdaratingan sa iyong harapan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-16-23-28-35-41-46.


CANCER (June 21-July 22) - Malakas ang hatak sa iyo ng pamamasyal sa tabing-dagat. Ang totoo, kailangan mong mabasa ng tubig-dagat dahil isa ito sa kondisyon para lalo pang gumanda ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-sky blue. Tips sa lotto-11-18-20-27-41-44.

LEO (July 23-Aug. 22) - Walang magandang mapapala ang taong negatibo, pero ang mga positibo ay aani ng mga positibo ring pangyayari. Saan ka pa? Siyempre, sa huli na. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-golden yellow. Tips sa lotto-7-16-25-28-35-39.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nakakatuwa na nakakamangha ang kapalaran mo ngayon. Sinasabing magsuot ka ng luma sa loob ng bahay at ang masusuwerteng araw mo ay tiyak na magbabalikan. Masuwerteng kulay-metallic blue. Tips sa lotto-11-19-21-25-34-38.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Palawit ang pampasuwerte mo ngayon. Sa damit, gamit at sa mismong sasrili mo. At para mapatunayan na ito ay totoo, bakit hindi mo subukang gawin? Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-12-14-26-30-33.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Matigas na bagay ang pampasuwerte mo. Puwedeng kahoy, bakal o metal at puwede rin ang paninindigan mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-dark green. Tips sa lotto-18-25-30-35-43-45.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mapalad ka sa araw na ito kung kailan nagsasalitan ang ulan at mainit na panahon. Ang mensahe para sa iyo ay ‘wag kang magpabago-bago ng layunin dahil nasa tamang landas ka upang lalo ka pang suwertehin. Masuwerteng kulay-fire red. Tips sa lotto-10-14-17-20-22-24.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Isabuhay mo ang mga aral na itinuro sa iyo ng matatanda kahit pa sabihin ng iba na ikaw ay masyadong makaluma. Sa ganitong paraan, ikaw ay susuwertehin nang todo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-3-13-18-29-38-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakakatuwa ang kapalaran mo dahil sinasabing ang ihip ng hangin sa iyong katawan ay magreresulta ng mas maganda, masarap at masuwerteng buhay. Masuwerteng kulay-ocher yellow. Tips sa lotto-6-16-18-25-32-42.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Limitahan mo ang mga suot mong pandekorasyon sa katawan. Sa ganitong paraan, magdadagsaan sa iyo ang magagandang kapalaran at karamihan nito ay ikatutuwa mo nang husto. Masuwerteng kulay-crystal green. Tips sa lotto-4-11-16-20-23-36.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page