Horoscope | Mayo 6, 2026 (Miyerkules)
- BULGAR

- 8 hours ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 6, 2026

Sa may kaarawan ngayong Mayo 6, 2026 (Miyerkules): Kikilos nang paulit-ulit ang kapalaran mo upang gumanda ang buhay mo. Kaya anuman ang mangyari, hindi ka puwedeng manatili sa pangit na kalagayan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kapag maganda ang kapalaran, pinahahalagahan ang mga biyaya, at iniisip na ang mga ito ay para sa kinabukasan. Huwag mong sayangin ang mga nasa iyo na. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-15-22-29-37-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Muli mong makukuha ang bendisyon ng langit. Ibig sabihin, ang mga gawa ng iyong kamay ay magiging mabunga, at mas dadami pa ang pakinabangan mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-11-19-27-39-41.
GEMINI (May 21-June 20) - Marami ka pang mapapakinabangan kapag patuloy mong tinutukan ang iyong kabuhayan. Hihinto ang suwerte mo kapag ang tutok mo ay napunta sa ibang bagay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-18-24-26-37-45.
CANCER (June 21-July 22) - Hindi pa tapos ang pagdating ng mga suwerte. Sa katunayan, kahit wala kang gawin, bubuwenasin ka pa rin. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-2-18-21-24-33-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Tatamaan ka ng hindi nakikitang sinag mula sa langit, at dahil dito, magliliwanag ang isip mo na mas dapat mong unahin ang sarili mo kaysa sa mga pabigat lang sa buhay mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-15-20-27-38-43.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magdaratingan sa harapan mo ang mga tukso. Nakakasira ng kapalaran ang tukso, kaya piliin mo ang mga taong may maitutulong sa iyo upang maayos ang buhay mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-14-23-26-30-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ito ang araw kung saan nakabukas ang tenga ng langit sa iyo. Hilingin mo ang iyong pinakagusto, at huwag mo nang dekorasyunan pa ng mahabang salita ang iyong hiling. Mas simple ang panalangin, mas pinakikinggan ng langit. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-16-19-22-39-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang makihalo sa masalimuot na problema ng iba. Masarap mabuhay nang mapayapa. Sa mapayapang buhay, mas maraming suwerte at pagpapala ang darating. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-11-15-18-21-25.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi pa tapos ang mapalad mong araw. Ngunit anumang sandali ay puwedeng masayang ito, lalo na kung hindi mo iaayon ang iyong mga kilos para sa iyong mga ambisyon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-14-17-26-33-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nasa tabi mo lang ang mahal mo upang alalayan ka, lalo na’t mahina at mahiyain ka. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-12-20-27-31-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kumapit ka sa sarili mo, at ‘wag kang umasa sa iba. Sa katunayan, mas maraming umaasa sa iyo, kaya mas kailangan mong paunlarin ang sarili mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-11-24-28-34-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Lumapit ka sa mga taong nasa malayo. Mas nauunawaan ka niya kaysa sa mga nasa paligid mo. Ito ang sikreto ng kapalaran mo sa mga araw na ito. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-13-29-31-38-43.


Comments