top of page
RUN WILD - BARBIE, NAPABILIB SI ALDEN SA PAGIGING WILD-IG _barbaraforteza.jpg

Horoscope | Mayo 4, 2026 (Lunes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 4
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 4, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Mayo 4, 2026 (Lunes): Mababa ang loob mo, at ang kababaang loob mong ito ay ipagpatuloy mo lang sa panahong ito ng tag-init, dahil higit na gusto ng nasa Itaas ang mapagpakumbaba kaysa sa mga mayayabang. 


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ito ang araw upang pagtibayin mo ang mga pangako ng pagmamahalan. Bawasan mo ang pagtutok sa iyong ambisyon, mas mainam na tutukan mo ang isang nilalang d’yan na alam mong sobrang nagmamahal sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-11-20-25-33-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nag-iipon ng tubig ang mga ulap bago diligin ang mga halaman. Mag-ipon ka rin ng lakas at ang maiipon mo ay iukol mo sa pagpapatatag ng relasyon na magiging panghabambuhay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-18-21-28-37-40.


GEMINI (May 21-June 20) - Masarap ang ihip ng hangin, pero mas masarap ang hangin na may kasamang tubig, lalo na kung banayad ang pagdampi sa balat. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-17-23-29-31-45.


CANCER (June 21-July 22) - Iiral muli ang pagiging mahiyain mo, pero alam mo, may isang naghahanap ng wagas na pagmamahal na ang mas pipiliin ay ang tulad mong may pagka-introvert. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-19-25-27-34-41.


LEO (July 23-Aug. 22) - Mahina ka ngayon at kapag mahina ang isang tao, dapat lang siyang lumayo sa mga tukso. Ang tukso ay madali lang namang makilala dahil ito ay maaaring makasira ng buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-12-24-28-30-43.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kapag namamahinga ang katawan, ang isip ay walang tigil sa paggiling. Bawat magagandang ideya na maglalabas-masok sa iyong isipan ay ipunin at tandaan mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-13-15-26-35-38.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi lang magandang katawan ang mapanukso, dahil ang mga salitang may kaugnayan sa pagmamahal na madalas sabihin na inuukol sa iyo ay tukso rin upang mabihag ka. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-11-16-23-33-42.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung ano ang nadarama mo, sundin mo, kahit pa tutol ang iyong isip. Ang kaligayahan ay hindi nagmumula sa isipan dahil ito ay dikta ng damdaming nagmamahal. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-14-17-20-36-40.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mapapalapit ka sa mabait. Gayunman, ingatan mong mahulog ang loob mo. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-1-15-27-30-32-39.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nangangarap ang tao ng malalaking yaman, pero mas maganda kung dahan-dahan kang maghahanda para sa iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-16-21-26-34-43.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi mo gugustuhin ang magagandang bagay kapag hindi naman galing sa iyong mahal. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-15-24-31-36-45.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Lumayo sa mga mapagkunwari. Ito ang babala ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-18-25-28-38-40.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page