top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | Mayo 4, 2022 (Miyerkules)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| May 4, 2022


Sa may kaarawan ngayong Mayo 4, 2022 (Miyerkules): Unahin mo ang sarili mong kapakanan. Pagkatapos nito, saka mo isunod ang mga mahal mo sa buhay. Ito ang tamang pormula mo sa tagumpay.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Bakit mo papansinin ang mga alam mo namang mahirap makaunawa? Lumayo ka muna sa mga ganitong klase ng tao dahil maaapektuhan lang ang pagtutok mo sa iyong pangarap. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-18-20-24-39-45.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Gawin mo ang gusto mong gawin na naudlot. Sa ngayon, kahit marami ang kumontra, wala na silang magagawa dahil aayon sa gusto mo ang mga pangyayari. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-11-12-28-31-33-36.


GEMINI (May 21-June 20) - Malalagpasan mo ang pagsubok sa iyong harapan. Mas mabigat at mahirap na pagsubok ang iyong tinalo sa nakaraan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Maswerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-17-23-25-36-43.


CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong hanapin ang wala. Bigyang-halaga mo ang mga nasa buhay mo ngayon. Sila ay makakatulong sa iyo sa mga bagay na hindi mo makakaya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-16-19-21-28-30-31.

LEO (July 23-Aug. 22) - Kapag mabigat, kailangan mo ang tulong. Huwag kang mahiya sa mga malalapit sa iyo na puwedeng umalalay sa mabibigat na hamon ng iyong kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-16-22-29-32-37.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Langit mismo ang gagawa ng paraan para mapadali ang iyong pag-asenso dahil ikaw ay nakitang hindi makakilos sa sobrang dami ng iniisip mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-10-13-28-35-43.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Lumayo ka sa mga hindi mo kursunada. Baguhin mo ang iyong nakasanayan na hindi mo sila iniintindi, pero hindi ka naman lumalayo. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-19-29-31-42-45.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang umiwas sa mga gustong dumikit sa iyo. Dahil ang misyon nila na lihim na inutos ng langit ay ang pagaanin ang iyong mga pasanin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-24-26-34-37-41.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi naman mahirap ang gusto mong mangyari. Sa biglang tingin, tila hindi makakayang matapos ito agad. Ngunit kapag ito ay nasimulan, mabilis nang magagawa. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-11-15-21-26-30.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakakatuwa ang kapalaran mo ngayon. Ang ayaw na ayaw mo ay nasa kanya pala ang mga suwerte mo, kaya ipipilit ng langit na siya ay magustuhan mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-15-17-20-24-35.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mabilis kang mapapasok sa isang sitwasyon na sa tingin ng marami ay hindi dapat mangyari. Sa huli, sasaludo sila sa iyo dahil mas mapapaganda ang kalagayan mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-11-17-22-27-34.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Bumabalik ang pinaalis dahil hinahanap-hanap ng nagpaalis. Ito mismo ang mararanasan mo ngayon at sa mga araw pang darating, magugulat ka dahil babalik ang iyong pinaalis. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-28-29-31-36-39-44.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page