Horoscope | Mayo 31, 2022 (Martes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| May 31, 2022
Sa may kaarawan ngayong Mayo 31, 2022 (Martes): Kusang lalapit sa iyo ang mga suwerte, kaya hindi lang ikaw ang nagugulat kundi maging ang iyong mga lantad at lihim na kaaway.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kahit labag sa kalooban mo, kailangang gawin mo ang isang bagay na marami ang makikinabang, pero alam mong ikaw ay dadaan sa mabigat na pagsubok at pakikipagsapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-18-20-24-39-40.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung saan ka may malaking pakinabang, ‘yun ang iyong piliin dahil bihirang dumating sa buhay ng isang tao ang pagkakataong makahawak siya ng napakalaking suwerte. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-24-27-36-40-41.
GEMINI (May 21-June 20) - Hindi dapat magulo ang sagot mo. Ang kinakakitaan ng pagkalito ay nilalayuan ng magagandang kapalaran. Habang ang may malinaw at klarong isipan ay dinadatnan ng magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-15-21-24-32-36-44.
CANCER (June 21-July 22) - Makibahagi ka sa kagustuhan ng nakakarami. Makikita mo na ang saya at ligaya ay nagmumula sa pakikiisa at ang lungkot ay kakambal ng pag-iisa. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-14-19-30-31-38-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hinahanap ang nawawala, kaya hindi ka masisisi sa paghahanap sa hindi mo na nakikita. Gayunman, mas maganda pa rin na pakitaan mo ng matinding interes ang nakikita mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-12-22-28-37-47.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Tapusin mo ang kailangang tapusin. Huwag ka munang pumasok sa bagong proyekto. Rito sa mundo, hindi paramihan ng ginagawa, ang mahalaga ay paramihan ng natatapos. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-8-11-16-24-33-38.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kahit walang ginagawa ay napapagod din. Hindi naman kasipagan ang nakakapagod kundi ang mag-isip nang mag-isip sa mga suliranin. Ipanatag mo ang iyong kalooban. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-25-26-35-38-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Maliit o malaki ang kita, tuloy-tuloy lang dapat ang kasipagan. Sa huli, ikaw mismo ang makakatuklas na ang bundok ay binubuo ng paisa-isa at naiipong mga alikabok. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-14-15-20-29-33-34.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Linisin mo ang iyong isipan. Ang mga negatibong pananaw, higit kailanman ay dapat mo nang itapon sa basurahan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-10-11-19-23-35-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kunin mo ang madaling kunin. Bakit mo pa pahihirapan ang iyong sarili? Ang tunay na tagumpay ay saya at ligaya ang kakambal, hindi ang paghihirap at pagdurusa. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-17-22-25-34-33.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong ibisto ang iyong baraha. Mas maganda na may itinatago kang panlaban na susurpresa at sisira sa kaligayahan ng iyong mga karibal at kakumpitensya. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-20-21-28-30-31-37.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dagdagan mo pa ang iyong mga pagkilos. Ang ayaw nang kumilos ay nanghihinayang, kaya ang nagdadagdag ng pagkilos ang pinagpapala ng nasa itaas. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-19-27-30-34-35-38.




Comments