top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | Mayo 3, 2022 (Martes)

BULGAR
May 3, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| May 3, 2022


Sa may kaarawan ngayong Mayo 3, 2022 (Martes): Kusang kikilos ang iyong kapalaran para umangat pa ang iyong kalagayan. Marami ang maaapektuhan, lalo na ang mga walang bilib at panay ang kontra sa iyo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muling magbabalik ang iyong sigasig na lalo pang paunlarin ang iyong kabuhayan. Dadami ang maiinggit sa iyo dahil sa kakaibang sigla mo ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-12-19-25-32-33.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ipanatag mo ang iyong kalooban. Ang madalas mong iniisip sa hinaharap ay hindi na nakakaganda para sa iyo dahil masisingitan ka ng mga negatibong pananaw. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-18-23-28-30-42.

GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong ikabahala na nasisingitan ka ng mga karibal. Ang totoo, sila ang dapat mabahala dahil sa muling pag-arangkada ng iyong kapalaran, sila ay isa-isang matutumba. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-13-25-26-31-32.

CANCER (June 21-July 22) - Lalambot ang puso mo at patatawarin mo ang mga nagkamali sa iyo. May ilan kang papatawarin, pero muli ka nilang gagawan ng mali. Ito ang nakaguhit sa kapalaran mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-29-39-40-41-46.

LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong hanapin ang mali dahil tiyak na makikita mo ito. Malaki ang epekto ng nakikita sa buhay ng tao. Mas mabuting hanapin mo kung ano ang mabuti. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-9-15-17-25-38.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Tanggapin mo ang iyong mga kahinaan. Ito ang simula ng pagbabago at sa sandaling may bago, sunod-sunod na suwerte at magagandang kapalaran ang darating sa iyo. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-17-22-28-39-41-42.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kikilos ang kapalaran mo, pero hindi pabor sa iyo. Ang tawag dito ay “mapaglarong kapalaran at tadhana”. Ngunit sa huli, malaking suwerte at panalo ang mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-16-21-23-28-30-35.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magiging abala ka, ngunit hindi para sa iyong sarili. Gayunman, ang paghanga ng langit ay para sa iyo. Dahil sa pagsasakripisyo mo, tatanggap ka ng mga biyaya. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-9-12-18-28-33.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Malakas ka pero hindi ka puwedeng sobrang magtiwala sa iyong sarili dahil ang malakas ay humihina. Ipagpatuloy mo ang iyong maayos at malinis na pamumuhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-4-8-21-28-35.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Simulan mong ipatupad ang iyong plano kapag nakita mo na ang mga senyales na ikaw ay masaya at hindi kinokontra ng iba. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-10-18-25-30-31.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Humahabol pa sa kapalaran mo ang ilang masasayang pangyayari. Bagama’t ang gusto mo ay pahinga, hindi pa puwede dahil magsasaya ka pa. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-15-17-20-29-38-40.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nagdaratingan pa ang mga suwerte mo mula sa malayo. Hindi mo pa nakikita na matatapos na ang magagandang balita. Ibig sabihin, ito ay aabot pa sa mahabang panahon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-25-27-39-40-42.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page