- BULGAR
Horoscope | Mayo 29, 2022 (Linggo)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| May 29, 2022
Sa may kaarawan ngayong Mayo 29, 2022 (Linggo): Huwag mong pahirapan ang iyong sarili. Kapag tinutukan mo ang pagpapayaman, tiyak na yayaman ka. Tumutok ka na ngayon at bawasan mo ang iyong pagiging mahiyain.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kung ano ang mayroon ka, ‘yun lang ang ibigay mo. Hindi mo na dapat solusyunan ang problema ng iba dahil sa huli, sa iyo malilipat ang kanyang mga problema. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-9-10-14-28-34.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Bakit mo itinatago ang iyong sarili? Ilagay at ilantad mo ang iyong personalidad dahil kapag inilabas mo ang iyong tunay na pagkatao, nakamamanghang mga pangyayari ang magaganap sa buhay mo. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-1-17-20-25-38-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Iwasan mong makipagtalo dahil wala namang mabuting dulot ito. Ang totoo, sa pakikipagdebate, nasasayang ang mga sandali na sana’y magagamit sa pag-asenso mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-18-21-26-28-33.
CANCER (June 21-July 22) - Naduduwag ka bang pagbigyan ang sarili mo na kumilos nang kumilos hanggang ikaw ay umunlad? Labanan mo ang pakiramdam mo na tila ayaw mo nang lumaban sa mundo. Masuwerteng kulay-crystal green. Tips sa lotto-14-19-22-31-38-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi mo gaanong paghihirapan ang darating sa iyong mga suwerte sa susunod na mga araw. Ang nakakapagtaka, ang katotohanang sila na hirap na hirap para gumanda ang buhay ay wala ring napapala. Masuwerteng kulay-apple green. Tips sa lotto-5-11-16-24-28-34.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kulang ka sa kilos at salita, pero hindi ka kulang sa talino. Gagabayan ka ng iyong talino upang kumilos at sa bawat pagkilos, malalaking suwerte at magagandang kapalaran ang mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-18-20-26-35-37-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Lahat ng maganda ay para sa iyo. Kahit ang magandang kapalaran ay para sa iyo rin. Ito ang dahilan kaya hindi nauubos ang mga taong inggit na inggit sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-12-15-29-36-40.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kahit lumayo ka, lalapit pa rin sa iyo ang mga may sinasabi at may ranggo. Ibig sabihin, isa sa kanila ang kapalaran mo at ito dapat ang maging gabay mo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-8-19-24-37-41-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Tapat ka sa trabaho kaya ikaw ay aasenso. Pero maganda rin na maging tapat ka sa sarili mo kung saan may malasakit ka sa iyong kapakanan. Ito ang susi para sumaiyo ang kaunlaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-17-20-24-33-38.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Matiisin at may positibong pananaw, sino siya? Sino pa, nga ba? Siyempre, ikaw. May naghihintay na magandang buhay sa tulad mo, pero ang ‘di matiisin at negatibo ang kaisipan ay tiyak na mabibigo lamang. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-10-14-16-24-35.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Alisin mo na sa iyong buhay ang mga nagpapahirap sa iyo. Sa ganitong paraan, magdaratingan sa iyo ang mga may malaking tulong para sa pag-asenso ng buhay mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-16-28-30-31-34.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nakakatuwa ang mga pangyayari sa buhay mo. Madali mong napapaniwala ang iyong kapwa, kaya sumasaya ka. Pero alam mong ikaw mismo ay walang bilib sa iyong sarili. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-6-16-18-24-26-32.