Horoscope | Mayo 28, 2022 (Sabado)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| May 28, 2022
Sa may kaarawan ngayong Mayo 28, 2022 (Sabado): Palagi kang aalalayan ng langit. Gayunman, mas magandang gawin mo ang iyong makakaya para makuha mo ang iyong gusto. Sa ganitong paraan, mas susuwertehin at liligaya ka.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nagbabalik ang iyong sigla na nakatuon sa kung paano pa mapapaunlad ang iyong kabuhayan. Samantalahin mo ang magandang pagkakataong ito dahil ang sigla ay susi sa tagumpay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-20-24-28-30-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Maganda ngayon ang nakikita sa iyo dahil mas malaki ang tsansa na matanggal mo na ang mga ugali mong hadlang sa iyong pag-asenso. Ito ang masuwerteng balita para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-19-20-22-24-27-38.
GEMINI (May 21-June 20) - Kumilos ka nang kumilos. Sa pagkilos, ang mga suliranin ay kusang naglalaho. Sa kawalan ng pagkilos, ang tao ay nararahuyo ng negatibong mga bagay na sisira sa takbo ng kanyang kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-10-14-25-36-37.
CANCER (June 21-July 22) - Ngayon mo ilarawan sa isip mo ang mga gusto mong gawin sa hinaharap. Ang lahat ng magandang bagay sa mundo ay nabubuo muna sa isipan ng isang tao. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-14-16-23-30-33-35.
LEO (July 23-Aug. 22) - Marami ang umaasa sa iyo, kaya obligado kang magtagumpay. Huwag kang mag-alala, kakampi mo ang nasa itaas. Bibigyan ka ng suwerte at magagandang kapalaran ng langit. Masuwerteng kulay-ocher yellow. Tips sa lotto-15-26-28-30-36-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Sasakit lang ang loob mo kapag tinangka mong baguhin ang isang tao. Dahil kapag pinipilit ang isang nasa mali, lalo niyang kinakapitan ang kanyang hindi mabuting gawi. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-12-21-24-29-39-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Lumayo ka sa mga puwedeng makasira sa iyong katawan at kalusugan. Nawawalan ng saysay ang dami ng kabuhayan kapag ang tao ay may iniindang mabigat na karamdaman. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-16-22-23-31-35-37.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kapag binilang mo ang magagandang nangyari sa buhay mo, lalo pa itong madadagdagan. Masaya mong balikan ang iyong nakaraan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-golden yellow. Tips sa lotto-4-9-13-20-31-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magpahiram ka, pero hindi ng pera. Ipahiram mo ang mga pormula na ginagamit mo na nagbibigay sa iyo ng magandang buhay. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-26-32-37-39-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kumapit ka sa pangarap mo. Ang taong walang pangarap ay walang mararating sa buhay. Ang mga pangarap ay nagsisilbing pakpak sa tagumpay. Ito ang paalala para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-15-21-24-26-34-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang mag-alala sa hinaharap. Ituloy mo lang ang masaya mong buhay. Dahil ang totoo, saya ang magbibigay sa iyo ng magandang kinabukasan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-15-21-25-26-34-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nagsisimula na ang atas ng kapalaran na magparami ang lahat ng mga buhay sa ibabaw ng lupa. Ito rin ay pabor sa gustong magparami ng kabuhayan, lalo na sa iyo. Sa araw na ito, dadami rin ang suwerte mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-19-20-21-26-34-41.




Comments