Horoscope | Mayo 26, 2022 (Huwebes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| May 26, 2022
Sa may kaarawan ngayong Mayo 26, 2022 (Huwebes): Kaya mong abutin ang pinakamataas na antas ng tagumpay. Huwag mong sayangin ang pagkakataong ito. Abutin mo na ito ngayon.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Lumayo ka sa mga sobrang emosyunal. Hindi ngayon ang tamang panahon para harapin sila. Sa halip, unahin mo ang pagpapalago ng kabuhayan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-11-17-29-30-35.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Piliin mo lang ang taong iyong pagkakatiwalaan. Hindi lahat ng malapit sa iyo ay mapaglalagakan mo ng lihim. Dapat ay maging maingat ka. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-18-20-25-27-34.
GEMINI (May 21-June 20) - Isaayos mo ngayon ang mga bagay na kailangang-kailangan. Ang pagpapaliban ay magbubunga ng mas mabigat na mga suliranin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-14-22-27-35-41.
CANCER (June 21-July 22) - Pag-aralan mo muna kung ano ang pinakamagandang pagkilos bago ka sumugod. Sa ganyang paraan at sa pagkakataong ito, matitiyak mo ang malaking tagumpay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-10-15-23-38-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag kang magbabago. Nasa tamang landas ka papunta sa malalaking tagumpay at anumang pagbabago ay hindi makakabuti sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-17-20-21-28-30-32.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Malayo ka. Sobrang malayo ang agwat sa iyo ng mga gustong habulin ka dahil naiinggit sila sa galing at husay mo. May kakulangan sila dahil hindi nila nakopya ang bilis ng iyong isip at talas ng iyong kakaibang talino. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-11-16-29-39-42-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Marami ang magpapakita sa iyo ng interes pero mas marami ang lihim na nangangarap na maging bahagi ka ng kanilang buhay. Mag-ingat ka dahil hindi lahat ay mabuti ang hangarin. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-22-26-38-40-43.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung sino ang makakatulong sa iyo, siya ang iyong kaibiganin. Huwag mong ipagpalagay na hindi mo kailangan ang iba na para bang kaya mong mag-isa na abutin ang iyong pangarap. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-18-19-25-29-34-37.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung saan ka madadalian, ‘yun ang iyong piliin. Sundin mo ang nasabing payo nang hindi makalagpas sa mga kamay mo ang magagandang kapalaran na nasa iyong harapan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-10-18-26-27-35-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi pa tapos ang pagdating sa buhay mo ng mga suwerte. Huwag kang mag-alala kung ang iba ay hindi mo makuha. Babalik ang mga ito para bigyan ka ng isa pang pagkakataon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-11-16-28-30-32.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Lumayo ka sa taong ang dala sa iyo ay problema. Wala silang karapatan na sirain ang iyong masayang buhay. Kaya kahit mahirapan ka, mas maganda pa rin na layuan mo sila. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-18-24-28-30-34.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi ka mabibigo. Tiwala lang sa sarili ang iyong kailangan. Balikan mo ang mga nakaraang pangyayari kung saan napagtagumpayan mo ang mahihirap na laban ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-10-19-21-28-33-37.




Comments