Horoscope | Mayo 24, 2022 (Martes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| May 24, 2022
Sa may kaarawan ngayong Mayo 24, 2022 (Martes): Kumikilos ang kapalaran para sa ikakaganda ng buhay mo at magpapatuloy ito kahit maligaw ka ng daan at magkamali ka ng desisyon.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tatanglawan ka ng hindi nakikitang sinag mula sa langit na ang pangalan ay “sinag ng suwerte at bagong pag-asa”. Mararamdaman mo na kakaiba ang lakas ng iyong loob sa araw na ito. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-18-24-28-34-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung ano ang maganda sa tingin, ‘yun ang piliin mo dahil ang kailangan mo ay inspirasyon. Huwag kang maniwala na hindi mabuti ang tumitingin sa magaganda. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-18-20-25-28-33-36.
GEMINI (May 21-June 20) - Malakas ang karisma mo at lalakas pa ito sa mga susunod na araw. Maraming hahanga sa iyo at papangarapin nila na ikaw ay maging bahagi ng kanilang buhay. Mag-ingat ka sa mga may hindi magandang motibo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-18-21-27-30-32.
CANCER (June 21-July 22) - Kambal na suwerte ang dadapo sa iyo. Magkasabay na guguhit sa iyong kapalaran ang nasabing suwerte. Huwag mong sayangin at kailangang matuto ka na pahalagahan ang mga ito. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-19-20-25-31-38.
LEO (July 23-Aug. 22) - Lahat ng mga mata ay nakatingin sa iyo. Hindi ka dapat magkamali sa pagkilos. Gawin mo ang lahat ng kaya mo dahil ang mga matang nakatingin ay may tiwala sa iyong kakayahan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-23-26-33-37-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nagkakamali ang hindi nag-iisip, kaya isipin mo na ang bawat gagawin mo. Ang bukas ang isip sa pag-aaral sa mga posibilidad ay makakaasa na magtatagumpay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-11-17-23-30-31.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Iyung-iyo ang araw na ito. Gawin mo na ang gusto mong gawin. Kahit ang mga ito ay may pagkaimposible, papayag ang langit sa mga ito. Ang mahalaga ay sumaya ka. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-17-22-25-30-35-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Paganda nang paganda ang buhay mo. Hindi pa tapos ang pagdating ng mga suwerte para sa iyo. Hindi pa rin magsasawa ang langit na hulugan ka ng mga biyayang labis mong ikatutuwa. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-15-27-35-39-40-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Aayon sa iyo ang mga pangyayari kapag nakitang ikaw ay sobrang desidido. Hindi ka mabibigo kapag ikaw ay seryoso. Ito ang mensahe ng kapalaran mo ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-18-23-30-35-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mawawala ang mga problema mo na parang bula. Ang totoo, ang mga ito ay pansamantala lamang at may takdang panahon ng pagdapo sa kapalaran mo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-16-19-28-39-40-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Bantayan mo ang iyong sarili. Kung babalikan ang nakaraang mga kabiguan, makikita mong hindi mo kontrolado ang iyong sarili. Kaya ngayon, muli, bantayan mo ang sarili mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-20-22-25-34-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dadaloy sa buhay mo ang mga suwerteng kailangang-kailangan mo. Hindi pinababayaan ng langit ang mga may matatag na personalidad na umiwas sa mga tukso. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-15-21-28-33-36-40.




Comments