top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | Mayo 23, 2022 (Lunes)

BULGAR
May 23, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| May 23, 2022


Sa may kaarawan ngayong Mayo 23, 2022 (Lunes): Negosyo ang magpapayaman sa iyo kaya magnegosyo ka. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magtanong ka sa mga nakakaalam. Hindi maganda ang nagpapanggap na marunong. Mahalaga na may dagdag-kaalaman sa negosyong binabalak mong simulan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-17-20-21-25-38-41.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ito ang araw na kakaibang sigla ang iyong madadama na nagbabalitang puwede mo nang ituloy ang mga hindi mo nagawa sa nakaraan dahil pinanghinaan ka ng loob. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-9-11-17-20-24.

GEMINI (May 21-June 20) - Tuloy-tuloy ka lang at ‘wag mong pansinin ang mga kumokontra sa iyo. Sa huli, bibilib at makikiusap sila na maging bahagi ng iyong pinagkakakitaan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-15-16-28-30-33.

CANCER (June 21-July 22) - Gagabayan ka ng iyong isip. Ibig sabihin, kahit magpumilit ang damdamin mo, hindi ito mananaig. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-10-13-29-34-42.

LEO (July 23-Aug. 22) - Makipagsapalaran ka at ikaw ay mananalo. Kapag naman naduwag ka, aatras din ang mga suwerteng paparating sa iyo. Muli, magkipagsapalaran ka. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-23-24-26-38-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Iyung-iyo ang araw na ito at ang mga araw pang darating. Ibinalik na ng langit ang mga araw kung kailan mapasasaiyo ang magagadang kapalaran. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-11-18-21-28-39-41.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Timbangin mo ang mga katangian ng nagpapakita sa iyo ng pagtingin. Sa pagkakataong ito, hindi puwede na muli kang masaktan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-15-20-23-33-35-40.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang magbawas ng mga kabutihang ginagawa mo sa iyong kapwa kahit ang ilan sa kanila ay nakakalimot magpasalamat. Ito ang paalala ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-14-15-21-25-26-34.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Napaso ang sinaunang mga tao nang hawakan ang apoy at mula noon, siya ay nagkaroon ng takot. Sa pagkabigo, dapat may matutunan kang aral at maraming suwerte na ang kasunod. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-22-29-30-38-42.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi aabante ang ayaw kumilos. Ito ang lantad na katotohanan sa kawalan ng pag-unlad. Ngayong alam mo na, dapat alam mo na rin ang iyong gagawin. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-21-25-27-34-35.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ihagis mo sa hangin at itapon ang iyong sama ng loob nang makapagsimula ang bagong kabanata ng iyong buhay na punumpuno ng pag-asa. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-25-26-39-40-41.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Sisingit ang ilang negatibong pananaw sa iyong kasiglahan. Huwag mong pansinin ang mga ito nang sa gayun ay hindi bumagal ang magandang daloy ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-15-20-22-23-28-38.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page