top of page
SHEET - MGA ARTISTANG NAG-EENDORSO NG ONLINE GAMBLING, ‘DI NAGLALARO-IG _ogie_diaz.jpg

Horoscope | Mayo 22, 2022 (Linggo)

  • BULGAR
  • May 22, 2022
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| May 22, 2022


Sa may kaarawan ngayong Mayo 22, 2022 (Linggo): Kaya mong payamanin ang iba. Dahil dito, kaya mo ring payamanin ang iyong sarili. Ito ang katotohanan sa buhay mo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Lumabas ka sa magulong sitwasyon. Ang tutukan mo ay ang sarili mong problema. Mas maganda na huwag nang makialam pa sa iba dahil wala ka rin namang mapapala. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-18-22-24-28-30.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kumuha ka ng aral sa buhay mula sa nasasaksihan mong pagbagsak ng isang labis ang tiwala sa sarili. Sikapin mong huwag matulad sa kanyang nararanasan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-21-25-28-33-36.

GEMINI (May 21-June 20) - Hilahin mo ang isang malapit sa iyo sa magagandang bagay na iyong tinatamasa ngayon. Kung mag-isa siya, hindi niya mapapaunlad ang kanyang buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-14-24-31-35-39.


CANCER (June 21-July 22) - Bigyan mo ang iyong sarili ng panahon para magsaya. Hindi nakakabuti na ang iba ay masaya dahil sa iyo, pero sa pamamagitan lang naman ng iyong pagsasakripisyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-20-23-38-40-42.

LEO (July 23-Aug. 22) - Iwasan mong mainis dahil sa walang kuwentang bagay. Huwag mong patulan ang mga walang magawa kundi ang mambuwisit ng kapwa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-14-22-29-31-37-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Habaan mo pa ang pag-aaral kung puwede ka ba talagang kumita ng malaki sa binabalak mong negosyo. Sa ganitong paraan, hindi masasayang ang ilalabas mong puhunan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-10-15-16-20-34-37.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Bakit ka manghihinayang sa isang hindi naman talaga para sa iyo? Ang nasa iyo ngayon ay bigay ng kapalaran, kaya huwag mong pababayaan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-22-29-31-38-40.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Dumarami ang mga obligasyon mo. Asikasuhin mo ang iba nang mabawasan ang mga ito. Hindi puwedeng bumigat nang bumigat dahil maaaring humina ang iyong kalusugan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-12-20-21-25-27-35.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung saan ka sasaya, ‘yun ang piliin mo. Kumbaga, bakit pipiliin ng tao ang isang bagay na ikalulungkot niya? Bagama’t nangyayari ‘yun, huwag mo silang tularan. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-19-23-28-30-31-32.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ikaw ang tagapagpaalala sa kapwa mo. Huwag mong pansinin kapag hindi nila gusto na sila ay pinaaalalahanan. Ikaw ay tatanggap ng mas maraming mga biyaya mula sa langit. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-15-24-25-30-39-40.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sunod ka lang nang sunod sa gusto ng malapit sa puso mo. Sa huli, ikaw din ang makikinabang kahit sa totoo lang ay labag sa kalooban mo ang mga gusto niyang mangyari. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-16-21-26-27-36-42.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nagmamadali na parang mauubusan ng oras ang mga suwerteng paparating sa buhay mo. Puwede ka nang magsaya bilang pagsalubong sa mapalad mong mga araw. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-14-23-25-28-30.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page