Horoscope | Mayo 21, 2026 (Huwebes)
- BULGAR

- 15 hours ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 21, 2026

Sa may kaarawan ngayong Mayo 21, 2026 (Huwebes): Umatras man ang iyong kapalaran, patuloy pa rin itong tataas. Kaya wala kang dapat ipag-alala.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi mamamalayan ng iyong mga karibal na angat na angat ka na. Ito ay dahil sobra silang nalilibang sa masasayang kaganapan sa kanilang paligid. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-14-26-31-38-44.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nanghihiram ng liwanag ang buwan sa haring araw. Kaya hindi masamang manghiram. Humiram ka ng salapi at mga susi ng tagumpay sa mga malalapit sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-16-20-37-41-43.
GEMINI (May 21-June 20) - Sobrang bilis ng takbo ng buhay sa mundo ngayon. Kaya walang puwang ang makukupad at mababagal, lalo na ang matagal magdesisyon. Huwag mo silang tularan. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-7-11-22-32-38-40.
CANCER (June 21-July 22) - Hindi magkaintindihan kung ano ba ang mas dapat maghari sa tao—ang isip ba o ang puso? Sa mga araw na ito, ang sikreto ng kaligayahan ay nasa pagsunod sa utos ng damdamin. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-17-20-36-39-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kumuha ka ng mga pormula ng pagpapayaman hindi lamang sa isa kundi sa ilan mong kakilala. Idagdag mo ito sa mga nalalaman mo na. Sa ganitong paraan, maiiwan mo nang milya-milya ang iyong mga kakumpitensya. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-13-21-27-30-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang hihinto sa pag-akyat sa hagdan ng iyong mga pangarap. Puwede kang magpahinga sandali upang manumbalik ang iyong lakas at muli kang makahakbang paitaas. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-6-11-19-28-33-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong pigilan ang nagagalit. Hayaan mong lumaki nang lumaki ang kanyang galit. Isipin mo na lamang na sa mundong ito, ang lahat ay lumilipas. Sa ganitong paraan, makikita mo na pagkatapos ng galit ay ang tamis ng pag-ibig. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-18-22-30-34-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi ka mabibigo kung malinis at dalisay ang iyong puso. Pero maaari ka pa ring masaktan. Ang mga bagay na hindi naaayon sa iyong kabutihan ay wawalisin ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-12-15-24-36-43.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Patuloy ang iyong masusuwerteng araw. Hindi ito mahahadlangan kahit minsan ay may mga hindi gaanong magagandang kaganapan na tila sumisingit sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-10-21-26-35-44.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nagbabago ang lahat sa mundo. Kaya kung may nagbago sa iyong harapan, tanggapin mo ito nang maluwag sa loob dahil ang lahat ng ito ay para sa mas ikagaganda pa ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-17-22-27-38-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Saluhin mo ang mga suwerteng darating sa iyo, lalo na sa panahong ito ng tag-init. Hindi masama ang mamigay, pero huwag mong kalilimutan na darating din ang araw na ikaw naman ang mangangailangan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-15-23-25-30-37.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nakakagulat ang iyong kapalaran dahil sa iyo mapupunta ang suwerteng hindi pinahalagahan ng iba. Sa huli, ang mga umayaw ay makikitang inggit na inggit sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-16-20-31-39-45.




Comments