top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | Mayo 21, 2022 (Sabado)

BULGAR
May 21, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| May 21, 2022


Sa may kaarawan ngayong Mayo 21, 2022 (Sabado): Pataas nang pataas ang iyong posisyon, kaya hindi puwede sa iyo ang matagal na pananatili sa ibaba. Ito ang sikreto ng iyong kapalaran.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong hayaan na ang nagtatampo ay manatiling malayo ang loob sa iyo. Mahirap maghanap ng mga mapagkakatiwalaang tao. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-10-18-20-24-34.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Labanan mo ang gustong tumalo sa iyo. Ito ay ang kawalan ng gana na maghanapbuhay. Hindi puwede na wala kang ginagawa dahil ito ang magpapahina ng iyong katawan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-13-18-19-23-28.

GEMINI (May 21-June 20) - Bibilis ang iyong pag-asenso at walang sinumang puwedeng humadlang dahil ang magtatangka ay makakabangga ng langit. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-10-15-26-33-39.

CANCER (June 21-July 22) - Pabugso-bugso ang ihip ng sariwang hangin. Magpasalamat ka dahil ang mga suwerte mo ay ganundin — pabigla-bigla man ang dating, marami at malalaki ang mga ito. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-18-22-28-36-43.

LEO (July 23-Aug. 22) - Makikitang lumalabis ang tiwala mo sa iyong sarili. Hindi ito maganda at ito rin ay puwedeng maging sanhi ng iyong malaking pagkakamali. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-17-21-26-38-40-44.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Angat na angat ka kahit wala kang ginagawa. Ito ay bunga ng paghanga ng mga nasa paligid mo dahil sa iyong nakaraang desisyon. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-15-17-21-27-39-40.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ididikit ka ng kapalaran sa mga may sinasabi, angat ang kabuhayan at puwedeng magbigay sa iyo ng sarap sa buhay. Nasa iyo ang pagpapasya. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-18-24-26-34-42.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi masama ang magsaya. Pero ang labis na paggastos para sa pagsasaya ay hindi maganda. Kontrolin mo ang iyong sarili nang hindi maapektuhan ang iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-12-13-29-30-34-35.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Muling bumalik ang masusuwerteng araw mo. Ngayon mo na simulan ang mga plano na hindi mo nagawa noon dahil sa pag-aalala na mabigo ka. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-13-18-26-37-44.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Titigan mong mabuti ang napakataas at bughaw na kalangitan. Ito ay nagpapaalala na ang iyong kapalaran ay malayo sa mga bagyo at unos ng buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-21-24-31-33-46.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakatakda na ang magaganap at ito ay mangyayari mula ngayon. May malaking alok sa iyo ang langit na hindi mo dapat tanggihan. Ito ang pagkakataon upang ikaw ay makaahon sa mga problema at ikaw ay makikilala. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-10-11-15-29-30-42.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ang init ng araw ay nakakapagpalakas ng katawan. Ngunit ang sa iyo ay kakaiba, magbilad ka sa unang oras ng umaga dahil bukod sa gaganda na ang iyong kalusugan, maraming suwerte ang dadapo sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-10-14-26-37-41.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page