top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | Mayo 20, 2022 (Biyernes)

BULGAR
May 20, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| May 20, 2022


Sa may kaarawan ngayong Mayo 20, 2022 (Biyernes): Dahil likas ang kabutihang loob mo, ang langit ay magiging mabait sa iyo, kaya patuloy kang pagpapalain. Ito ang mensahe ng araw ng iyong kapanganakan.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mahalaga para sa iyo ang tumulong sa mga nangangailangan. Sa ganitong paraan, matutuwa sa iyo ang nasa itaas at ang iyong malalaking kahilingan ay agad na aaprubahan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-15-19-20-24-33.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Minamahal ng langit ang mapagmahal sa kapwa dahil ang banal na utos ay nagsasabing mahalin mo ang iyong kapwa. Isabuhay mo ito at ang mga suwerte at tiyak na mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-1-17-21-26-34- 35.

GEMINI (May 21-June 20) - Ito ang araw na ikaw ay papalarin sa kondisyong lalabas ka ng bahay dahil hindi maganda na nasa loob ka lamang. Sa paglabas, ang suwerte at magagandang kapalaran ay biglang bubuhos sa iyo. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-11-18-26-29-35-42.

CANCER (June 21-July 22) - Mananalo ka, pero kailangang makipagsapalaran ka. Kahit masuwerte ang tao, maaaring hindi niya makuha ang suwerte niya kung siya ay hindi naman kikilos. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-4-15-18-23-37-41.

LEO (July 23-Aug. 22) - Sundan mo ang iyong pangarap dahil ang may pangarap ay mas maganda kaysa sa wala. Ito ay dahil ang pangarap ay pakpak na maghahatid sa tao sa masaganang buhay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-17-21-29-38-40-43.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kumukupas ang lahat sa mundo. Sa ngayon, ibinabalita ng iyong kapalaran na ang iyong kawalan ng gana na itodo ang pagsisikap mo ay kukupas na, kaya ikaw ay muling sisigla. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-12-22-25-34-38-40.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mababa ang mga luha mo ngayon. Pero makakaganda ito sa iyo dahil mas mapapalapit ka sa langit at hahangaan ka sa kababaang loob mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-old rose. Tips sa lotto-5-8-19-27-39-42.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung nasaan ang saya, ru’n ka. Hindi puwede na masingitan ka ng lungkot. Ang taong masaya ay susuwertehin dahil ang totoo nito, ang mga suwerte ay talaga namang dumadapo sa masasayang tao. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-16-24-33-38-40-45.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mahigpit na ipinapayo na igalaw mo ang iyong mga kamay kahit wala kang ginagawa. Ito ang siktero para magsilapit sa iyo ang mga suwerte at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-9-10-14-16-32-41.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Maghanda ka. Ihanda mo ang iyong sarili dahil nagbabalita ang iyong kapalaran na ang malaking suwerte ay darating sa buhay mo at ito ay ngayon na. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-17-20-25-30-31-39.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Itago mo ang lihim na iyong madidiskubre. Hindi magandang katwiran na dahil ito ay totoo ay dapat nang ibulgar. Muli, kahit ito ay totoo, itago mo ang lihim na iyong matutuklasan. Ito ang makakabuti para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips lotto-18-19-21-32-37-44.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nagmamadaling dumating sa buhay mo ang ilang magagandang kapalaran na sapat para madama at masabi mong ikaw ay hindi nakakalimutan ng nasa itaas. Pagkakalooban ka rin ngayon ng mga biglaang suwerte. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-10-15-19-20-25-33.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page