Horoscope | Mayo 2, 2026 (Sabado)
- BULGAR

- 3 hours ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 2, 2026

Sa may kaarawan ngayong Mayo 2, 2026 (Sabado): Mataas ang iyong personalidad. Kaya hindi ka rin maibabagsak agad ng iyong mga kaaway.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iiral ang iyong kabaitan, kaya kahit maisahan ka nila, makikitang wala kang galit kaninuman. Sa katunayan, sa gagawin mong kabaitan, hahangaan ka ng langit at bibiyayaan ng mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-19-24-28-30-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hawakan mo ang iyong sarili. Nagbababala ang araw na ito, at ang ilang araw pang darating na puwede kang maging emosyonal. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-18-22-25-35-40.
GEMINI (May 21-June 20) - Mag-ingat ka! Halata na madali kang madadaya ngayon. Para makaiwas, mas makabubuti kung ang magpapasya para sa iyo ay ‘yung mga taong pinagkakatiwalaan mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-11-17-26-32-42.
CANCER (June 21-July 22) - Mag-obserba ka muna bago ka maniwala sa mga sabi-sabi. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-14-28-30-39-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Ngayon na magsisimulang magdatingan ang iyong mga buwenas. Sobra at sapat na ito para mabawi mo ang mga nawala sa iyo sa nagdaang mga araw. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-10-15-20-26-34.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kapag ginawan ka ng hindi maganda, gantihan mo ng kabutihan. Mahirap gawin ito, pero maniwala ka muna dahil ito ang tunay na susi para mapasaiyo ang magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-18-21-25-36-37.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung sino ang may mababang loob, sa kanya ka dumikit. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-12-23-27-38-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Lumayo ka sa mga tukso. Sa ngayon, hindi lingid sa iyo na ang mga tukso ay lagay nang lagay sa harapan mo. Muli, layuan mo ang mga tukso. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-3-17-22-26-31-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Alamin mo muna ang motibo ng nagpapakita sa iyo ng maganda, dahil ang mga mandaraya ay maganda rin ang ipinapakita. Sa ganitong paraan, makakaligtas ka sa bitag nila. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-11-19-25-32-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung sino ang nasa malapit, siya ang makakatulong sa iyo. Ito ang tandaan mo ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-13-16-28-35-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mabilis na dadapo sa iyo ang suwerte. Gayunman, mas mabuting tutukan mo ang pagpapalago ng iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-10-21-24-33-39.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Masarap na buhay ang inihahanda sa iyo ng kapalaran mo, kaya puwede nang sabihin na matatapos na ang mga araw ng kagipitan at paghihirap. Magpasalamat ka lagi sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-17-27-34-37-43.


Comments