Horoscope | Mayo 19, 2026 (Martes)
- BULGAR

- 9 hours ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 19, 2026

Sa may kaarawan ngayong Mayo 19, 2026 (Martes): Kabilang ka sa mga masusuwerte. Dahil dito, marami ang maiinggit sa iyo. Kung hindi mo sila papatulan, mas lalo kang susuwertehin.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ang mga taong ayaw umalis sa kalungkutan ay makakaramdam pa rin ng kasiyahan ngayong araw, at silang may iniindang karamdaman ay agad na gagaling. Ito ang mensahe ng inyong kapalaran. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-5-19-28-30-33-36.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Muling magbabalik ang pilit na nagbabalik. Sa pagkakataong ito, mas malakas siya kaysa sa iyo. Malaki ang posibilidad na muli kayong magkabalikan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-18-20-27-37-40.
GEMINI (May 21-June 20) - Sa panahong ito, malilibang at makakalimutan mo na naman ang dapat mong gawin. Ituloy mo lang ang paglilibang, dahil paminsan-minsan, kailangan din ng tao na makalimot sa trabaho. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-10-16-25-39-41.
CANCER (June 21-July 22) - Bubukas para sa iyo ang pintuan ng grasya ng langit. Malawak na pagbubukas ang mangyayari, kaya hindi ka maaaring manatili sa kalungkutan. Ang mga bagay at tao na magpapasaya sa iyo ay darating na. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-11-22-31-33-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Doble-dobleng suwerte ang sunud-sunod na darating sa iyo. Ang ilan dito ay ibahagi mo sa mga walang-wala upang mas lalo ka pang suwertehin. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-13-19-26-30-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Silipin mo ang mga pangyayaring sa unang tingin ay mabigat. Makikita mo, may masayang liwanag pala sa likod nito, at ang sayang iyon ay lalapit sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-17-21-32-36-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ipanatag mo ang iyong sarili. Ang nadaramang kawalan ng katiyakan sa hinaharap ay dulot lamang ng mga nakaraang hindi magandang karanasan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-18-25-31-37-44.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Malaki ang pagbabago sa ikot ng iyong kapalaran. Mas bibilis ito kaysa dati. Upang hindi ka maiwan, isabuhay mo ang mga natutunan mula sa iyong mga karanasan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-11-24-28-38-43.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag pilitin na gawin ng mahihina ang hindi naman nila kayang gawin. Baguhin ang sistema at luwagan ang mga patakaran, upang kusang umayos ang mga bagay-bagay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-15-20-27-33-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Dadalawin ka ng malaking suwerte. Kaya ihanda mo ang iyong sarili. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-10-18-23-39-45.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Pasasayahin ka ng iyong kapalaran. Ikaw ay ipinanganak upang suwertehin at magtamo ng magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-17-21-28-30-35.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dinaragdagan ng langit ang kapos at nilalagyan ang kulang. Pero ang sobra ay binabawasan. Makikita mo kung paanong ang mga sobra ay inaayos ng langit, at ang mga ito ay mapupunta sa iyo, kaya magsisimula ka nang yumaman. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-4-16-24-31-37-42.



Comments