Horoscope | Mayo 19, 2022 (Huwebes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| May 19, 2022
Sa may kaarawan ngayong Mayo 19, 2022 (Huwebes): Dating at lisan ang mga suwerte mo sa buhay. Magpasalamat ka dahil sa iba, halos hindi na dumarating ang magagandang kapalaran, pero sa iyo, marami pang darating at may mga kasunod pa.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magsaya ka dahil ang araw na ito ay para sa pagsasaya mo. Kung nagkataong may lungkot, magsaya ka rin dahil ang pagsasaya ay panlaban sa kalungkutan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-18-19-20-34-36.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Sinupin mo ang munting suwerteng mapasasaiyo. Ito ang magsisilbing binhi ng iyong kaunlaran kung kailan mabubuhay ka sa kasaganaan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-11-14-17-30-33-41.
GEMINI (May 21-June 20) - Mag-ingat ka at talasan mo ang iyong pakiramdam sa mga taong nakakasalamuha mo. May babala na kapag sumobra ang tiwala mo sa iyong sarili, ikaw ay madadaya. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-16-19-21-24-30-36.
CANCER (June 21-July 22) - Magpasya ka. Sa pagpapasya, ikonsidera mo ang iba pang malalapit sa buhay mo. Kung kailangan mong magsakripisyo, gawin mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-12-24-28-39-43.
LEO (July 23-Aug. 22) - Dito sa mundo, walang katapusan ang pagdating ng mga oportunidad, kaya ang tao ay walang karapatang magsabi na hindi na siya aasenso. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-12-15-28-31-34-44.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Bakit ka naghihintay ng senyales kung susugod ka na para sa iyong kinabukasan? Nasasayang ang mga araw ng paghihintay at may pakinabang sa bawat pagkilos. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-9-10-25-33-39.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mo nang tagalan ang pagpaplano. Dahil ang totoo, noon pa man ay puro ka na lang plano. Gawin mo agad ang gusto mong gawin sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-18-20-24-30-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong bilangin ang mga araw na nagdadaan. Ang pagtuunan mo ng pansin ay ang mga araw na darating kung kailan magkakaroon ng katuparan ang pangarap mong yumaman. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-16-21-27-41-43.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mabibigo ang mga naghahangad na ikaw ay bumagsak. Ang masaklap pa nito, sila mismo ang babagsak. Hindi inaayunan ng langit ang mga taong nag-iisip ng masama. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-17-21-22-27-31.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi ka mabibigo. Ang totoo, rito sa mundo, hindi mahalaga kung matagal o mabilis. Ang importante ay magkaroon ng katuparan ang mga pangarap mo sa buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-15-16-24-35-45.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi ka naman mahihirapang hanapin kung saan matatagpuan ang magkakaloob sa iyo ng masarap na buhay. Ang totoo, siya ay madalas na nasa harapan o katabi mo lamang. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-12-20-29-33-38-43.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Magpatulong ka kung nahihirapan ka. Hindi masama ang magpatulong, lalo na kung ang tutulong ay malapit sa buhay mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-21-28-33-35-46.




Comments