Horoscope | Mayo 18, 2022 (Miyerkules)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| May 18, 2022
Sa may kaarawan ngayong Mayo 18, 2022 (Miyerkules): Ginagarantiyahan ng iyong kapalaran na ikaw ay magtatagumpay sa iyong mga ambisyon sa paraan na alam mo ang pagkakaiba ng pangarap at ambisyon.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hawak mo ngayon ang iyong kapalaran. Kung gusto mong umasenso, aasenso ka. Pero kung sasayangin mo ang magandang balitang ito, walang mangyayaring maganda sa buhay mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-12-19-20-24-30-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Tatapang ka ngayon. Ikaw mismo ay magugulat sa iyong sarili, pero higit sa lahat, mandidilat ang mga mata ng mga nag-aakalang wala kang lakas ng loob. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-10-15-22-28-33.
GEMINI (May 21-June 20) - Sino ang pikit-matang sumusugod sa mga panganib? Walang iba kundi ikaw. Ang pagkasaya-sayang balita ay hindi ka mabibigo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-20-24-39-33-36.
CANCER (June 21-July 22) - Muli, magaganap ang ayaw mo. At sasabihin mo na ang tunay na nakakaalam kung ano ang mabuti ay langit mismo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-11-17-23-28-35-43.
LEO (July 23-Aug. 22) - Nakaalalay sa iyo ang langit. Ang ‘di mo kayang gawin, langit mismo ang gagawa para sa iyo dahil noon pa man at kahit kailan, espesyal ang pagmamahal sa iyo ng nasa itaas. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-10-13-20-29-30.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Pabigla-bigla ang mga kilos mo ngayon. Gayunman, ang mga ito ang panimulang hakbang mo sa pag-asenso. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-24-28-30-35-43.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Aakalain mo na matatagalan pa bago guminhawa nang husto ang buhay mo. Ang hindi mo alam, lihim na kumikilos ang langit at magtutuloy-tuloy na ang pagganda ng buhay mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-17-21-28-30-36-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magtatagumpay ka, kaya ang tagumpay na walang pinag-aalayan ay tagumpay na walang katuturan. Kailangan mo ng kaagapay dahil hindi puwede ang nag-iisa sa kalungkutan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-10-14-20-25-32.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Gawin mo ang gusto mo. Ang mga pangamba mo ay walang basehan, tinatakot mo lang ang iyong sarili sa mga negatibong ideya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-14-16-25-39-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Natatanaw mo na ang sinasabing liwanag sa gilid ang madilim na ulap. Ibig sabihin, gaganda ang iyong kapalaran at higit na maganda sa nakaraan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-12-18-24-39-40-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Biglaan ang pagbabago ng damdamin mo. Magugulat ang marami, pero noon pa man ay kilala mo na ang iyong sarili na palagi kang nag-iiba ng pasya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-18-22-26-39-46.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Maaaring hindi mo alam, pero nasasagap ng mga lihim mong kaaway na lumalakas ka at paganda nang paganda ang buhay mo. Iibahin nila ang kanilang mga plano, pero mabibigo pa rin sila. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-17-20-21-25-37.




Comments