top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | Mayo 17, 2022 (Martes)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| May 17, 2022


Sa may kaarawan ngayong Mayo 17, 2022 (Martes): Malalaking suwerte ang nag-aabang sa landas ng buhay na iyong nilalakaran. Magpatuloy ka kahit ano pa ang iyong maranasan.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tatag ng kalooban at tibay ng paninindigan ang sandata mo para talunin ang mga nagpapanggap na tunay mong kaibigan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-18-20-27-30-36.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Harapin mo nang may pag-ibig sa puso ang mga naiinggit sa iyo. Malulusaw ang masamang pananaw nila sa iyo at sila ay parang magnet na mapapalapit sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-21-24-27-30-35-42.

GEMINI (May 21-June 20) - Magbiro ka at susuwertehin ka. Pasayahin mo ang iyong kapwa at pasasayahin ka ng langit. Kasabay nito, ang buhay mo ay tatadtarin ng magagandang kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-15-23-39-31-41.

CANCER (June 21-July 22) - Buksan mo ang iyong puso sa pakikipagkasundo. Kasing bilis ng kidlat ang mga suwerteng guguhit sa kapalaran mo. Muli, buksan mo ang puso mo sa pakikipagkasundo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-10-14-16-22-24-32.


LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong pansinin ang mga salitang maririnig mo laban sa iyo. Ang mga ito ay nagmumula sa mga taong gusto kang huminto sa pagtutok sa iyong makabuluhang proyekto. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-17-20-21-26-37.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Maglinis at mag-ayos ka sa iyong tirahan. Sa ganitong paraan, magsisimula nang gumanda ang takbo ng iyong kapalaran at magdaratingan din ang mga tao na iyong pakikinabangan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-15-24-29-30-42.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kumilos ka ayon sa iyong plano. Nakaayos na ang lahat na para bang pipitasin mo na lang ang matatamis na bunga na para sa iyo lamang. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-17-20-22-30-31-38.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag ka nang lumayo para suwertehin ka. Ang mga nasa tabi mo ay puwedeng pakinabangan at maaaring sa kanila magmula ang iyong magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-18-25-27-30-32-37.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Lihim lang, huwag kang magtiwala sa kahit na sino. Mag-obserba ka at talasan mo ang iyong pakiramdam. Lihim mo ring layuan agad ang mga hindi mo kursunda. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-13-29-31-38-39-43.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Dadapo sa iyo ang munting suwerte na kapag minahal mo ay lalaki at magiging punong-kahoy na magbibigay sa iyo at sa mga mahal mo ng matatamis na bunga. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-18-19-26-27-35.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Makakaranas ka ng panandaliang pagkaantala ng iyong mga kagustuhan. Huwag mong akalain na ikaw ay pinahihirapan dahil ang ganitong paraan ay pagsasaayos lamang ng kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-14-15-20-22-26-33.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Harapin mo nang mukhaan ang mga pagsubok sa iyong harapan. Huwag mong talikuran dahil sa biglang tingin, mahirap kang manalo, pero ang huling halakhak ay para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-16-18-20-28-30.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page