top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | Mayo 16, 2022 (Lunes)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| May 16, 2022


Sa may kaarawan ngayong Mayo 16, 2022 (Lunes): Hindi lang isang bansa ang mararating mo. Gayundin, ang mga suwerte ay makakaharap mo sa malalayong lugar. Ito ang ginagarantiyahan ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nagbalik ang iyong mayamang imahinasyon. Magagamit mo ito para lalo ka pang umasenso. Iwasan mong magamit ito sa mga bagay na walang kinalaman sa pagpapaunlad ng buhay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-19-20-24-30-34-36.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong dayain ang iyong sarili kaya pakinggan mo ang lumang payo na huwag bilangin ang sisiw hanggang hindi pa lumalabas sa itlog. Ito ang mensahe para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-20-24-30-38-41.

GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang magmadali at mainip. Hintayin mong mahinog ang bunga bago mo ito kunin. Ang mga nagmamadali, kadalasan ay nanghihinayang at madalas na nagsisisi sa huli. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-14-20-26-30-34.

CANCER (June 21-July 22) - Kunin at ipaglaban mo ang para sa iyo. Huwag mong hayaang makialam ang mga walang karapatan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-dark green. Tips sa lotto-6-18-26-31-32-44.

LEO (July 23-Aug. 22) - Muli, maging mapagparaya ka, lalo na kung ang pinag-uusapan ay maliliit na bagay lamang. Ito ay dahil ikaw ay itinalaga para sa malalaki at dakilang mga bagay sa mundo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-15-18-25-26-35.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magbigay ka at tatanggap ka. Pero ang nakatutuwa, ang iyong matatanggap ay marami at ito ay mga biyaya mula sa langit na sadya at espesyal na ipinadala sa iyo. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-7-18-20-36-43-45.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi ka dapat maakit sa maganda sa paningin. Ang pagtuunan mo ng pansin ay ang kalidad ng isang bagay. Gayundin, talino ang gamitin mo at hindi ang dikta ng iyong damdamin. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-12-19-25-27-35-44.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kunin mo ang ibinibigay sa iyo. Saka ka na magpasya kung aariin o ipamimigay mo rin sa iyong kapwa. Sa ganitong paraan, mas magaganda ang mapasasaiyo at makakapili ka pa ng gusto mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-17-21-25-34-41.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Pagbigyan mo ang humihingi ng karagdagan. Ang tumatawad naman ay iyo ring pagbigyan dahil ngayon ang panahon ng pagbibigayan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-19-28-30-32-36.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kahit hirap ka rin, wala kang magagawa kundi pasayahin ang iyong kapwa. Nakamasid sa iyo ang mga mata ng langit, tatanggap ka g ng mga biyayang aaliw sa iyong kalooban. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-10-16-17-24-35.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mabilis na nagdaratingan ang mga suwerte mo. Tanggap ka lang nang tanggap dahil ang naggagandahang mga bagay na ito ay regalo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-17-26-30-33-43.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Marami ang nakakadama na sila ang mapalad. Ang hindi nila alam, sa pag-ikot ng gulong ng kapalaran, ikaw ay makikitang sobrang natutuwa dahil ikaw ang pinakabuwenas sa lahat. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-16-17-20-23-32.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page