top of page

Horoscope | Mayo 15, 2025 (Huwebes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 15, 2025



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Mayo 15, 2025 (Huwebes): Mabilis kang yayaman ngayon. Ito ay mangyayari sa simpleng paraan, lalo na kung tututukan mo ang pagkita ng maraming pera. 


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang babagal-bagal dahil sa araw na ito, ang mabibilis ay susuwertehin higit kaninuman. Muli, ‘wag kang babagal-bagal. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-11-19-23-38-40.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nakakatuwa ang iyong kapalaran dahil may hatid na suwerte sa iyo ang isang sobrang makuwento. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-12-25-30-32-38.


GEMINI (May 21-June 20) - Hawakan mo nang mahigpit ang matatanggap mong pagpapala ngayon, dahil ito ay magiging malaking punong-kahoy at ang malalapit sa buhay mo ay puwedeng sumilong. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-22-27-35-39-41.


CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong hayaan na makalagpas sa iyo ang magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-14-23-24-35-36-39.


LEO (July 23-Aug. 22) - Daig ng maagap ang masipag. Magkakatotoo ito sa buhay mo ngayon. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-20-24-29-30-31-37.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kahit kailan, hindi maganda ang mag-alinlangan. Hindi ba’t nangyari na ito sa iyo noon? Kaya hindi ka na dapat mag-alinlangan sa mga oportunidad na nasa iyong harapan ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-11-16-29-32-33.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Pinagtatawanan ng pagong ang unggoy dahil mas napabuti ang kanyang kalagayan. Nakatakdang pagtawanan mo rin ang mga kalaban mo dahil mas susuwertehin ka kesa sa kanila. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-16-21-29-33-38-42.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nagiging uod muna ang paro-paro bago ito makalipad. Huwag kang mag-alala kung nasa ibaba ka dahil sa huli, aangat ka rin at magkakaroon ng masarap na buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-15-17-25-27-40.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kahit gaano kakapal ang mga ulap, hindi niya kayang takpan ang sikat ng Haring Araw. Kaya kahit gaano kalakas ang iyong mga kaaway, ikaw pa rin ang magtatagumpay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-6-14-15-24-26.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakakatuwa ang iyong kapalaran dahil totoong marami ang makakalagpas na magagandang bagay sa iyo. Pero totoo rin na magbabalikan ang mga ito. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-21-25-26-38-41.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kikilos ka na parang ikaw ay sobrang masaya. Dahil dito, talagang sasaya ka. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-20-22-25-30-33.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi puwedeng nasa loob ka lang ng bahay. Mas maganda kung mamamasyal ka. Sa ganitong paraan, mananariwa ang iyong kapalaran at ang lahat ay gaganda para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-16-20-36-31-39.



Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page