top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | Mayo 15, 2022 (Linggo)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| May 15, 2022


Sa may kaarawan ngayong Mayo15, 2022 (Linggo): Walang pagdududa na ang buhay mo ay gaganda kahit pa makaranas ka ng hindi magagandang pangyayari. Ito ay ginagarantiyahan ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Piliin mo ang magbibigay sa iyo ng inspirasyon at saya. Mas nagtatagumpay ang taong may inspirasyon. Dahil dito, ang sunod-sunod na suwerte at magagandang kapalaran ay magsisimula nang dumapo sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-17-20-24-31-35.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hawak mo ang iyong kapalaran, kaya ang tagumpay at kabiguan ay nasa sa mga kamay mo. Maging kung paano ka sasaya o dapat bang malungkot ay nasa iyong pagpapasya. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-18-29-36-45-46.

GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang magmadali. Damhin at lasapin mo ang maliligayang araw na ito. Ang kakaibang ligaya ngayon ay magsisilbing lakas mo para sa mga araw na darating. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-16-28-30-31-32.


CANCER (June 21-July 22) - Kapag kulang sa luto ang pagkain, hilaw at hindi masarap ang lasa. Hayaan mo munang maluto ang mga kaganapan bago ka sumugod nang sa gayun ay malubos ang iyong kasiyahan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-14-15-20-23-39-44.

LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi ibinibisto ang personal na mga bagay. Kapag ipinaalam mo ito sa mga tao, hindi mo masisisi ang makakaalam na ikaw ay pagbintangan na may ibang motibo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-17-21-25-35-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magiging makulay ang araw na ito at ang mga araw pang darating. Ibig sabihin, sasaya at bubuwenasin ka nang sobra. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-apple green. Tips sa lotto-2-16-25-27-35-41.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hinihintay ng langit ang iyong kahilingan. Simplehan mo lang at dapat ay tukoy at direkta ang mga salitang gagamitin mo. Kapag simple ang kahilingan, ito ay tiyak na ipagkakaloob ng nasa itaas. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-13-14-28-30-33.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magsuot ka ng bago kahit nasa loob ka lang ng bahay. Huwag kang magsuot ng kupas na. Ito ang pampasuwerte mo ngayon. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-2-18-21-25-29-32.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi ka mabibigo ‘pag isinabuhay mo ang susi ng kaligayahan na nagsasabing, salubungin mo ang dilim nang may positibong pananaw sa buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-11-12-25-38-40.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong pakawalan ang lalapit at magpapakita ng pagtingin sa iyo. Siya ay lihim na nakatanggap ng utos mula sa langit na samahan ka sa iyong pagsisikap na umunlad. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-18-20-24-26-35.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Bantayan mo ang iyong paligid. May ilan na magtatangkang siraan ka at ang paninira sa iyo ay mula sa taong dikit nang dikit sa iyo ngunit lihim palang naghahanap ng mga kasiraan mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-21-24-26-34-41.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi lahat ng nagsisikap ay nakakaahon sa buhay. Pero ikaw, ang mga pagsisikap mo ay hindi masasayang, kaya ituloy mo ang mga ito at huwag kang aatras sa hamon ng kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-14-15-27-30-39.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page