top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | Mayo 14, 2022 (Sabado)

BULGAR
May 14, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| May 14, 2022


Sa may kaarawan ngayong Mayo 14, 2022 (Sabado): Negosyo ang magpapayaman sa iyo, kaya magnegosyo ka. Ang totoo, kahit namamasukan ka, ikaw pa rin ay magtitinda dahil ang pagtitinda ay isa rin sa ikayayaman mo.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Bilisan mo at ‘wag kang babagal-bagal. Hindi ngayon ang panahon ng matagalang pagpaplano. Ngayon ang araw para kumita ka ng malaki at higit sa dati. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-19-20-28-30-34-41.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hintayin mong dumapo sa pisngi mo ang malamig na simoy ng hangin. Ito ay nagsasabing ang mga suwerteng araw ay dumating na. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-26-30-33-36-44.

GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong pansinin ang gumugulo sa diskarte mo. Ituloy mo lang ang mga plano mo dahil kung malapit sa iyo ang mga kontrabida, mas mainam kung hahabaan mo ang iyong pasensya. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-18-25-27-39-40.

CANCER (June 21-July 22) - Pahinga ang kailangan ng isip at katawan. Gawin mo ito at ang mga ayaw mo ay nagiging maganda, kung saan ikaw ay magkakaroon ng malalaking suwerte at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-19-21-28-39-40-45.


LEO (July 23-Aug. 22) - Mainit na malamig ang tawag sa kapalaran mo ngayon. Nag-aalab ang ningas ng iyong sigasig, pero nanlalamig ka sa pagpapakita ng matatamis na pagkilos sa mahal mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-11-15-26-28-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kusang lalapit ang mga suwerte. Ang masayang balita ay nagsasabing, hindi pinahahalagahan ng langit ang mga pangit na katangiang naghahari sa iyo. Kumbaga, kahit hindi gaanong maganda ang iyong pagkatao, patuloy ka pa ring dadatnan ng mga suwerte. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-15-20-28-37-42.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang mamili ng makakasama dahil hindi mahalaga kung ano at sino ang mga madidikit sa iyo. Ang importante, may kasama ka kahit sino pa siya. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-19-23-36-39-43.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Malambot ang damdamin mo, pero ang masayang balita ay nagsasabing ang nagkukunwaring matapang ay magiging bahagi ng buhay mo at kayo ay aasenso. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-25-26-34-36-40.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kunin mo ang gusto mo. Ito ay para sa iyo at kahit mahirapan ka, kunin mo pa rin dahil kapag nasa iyo na ito, ito ang magsisilbing pampasuwerte mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-17-18-21-26-34-42.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi hinihintay na mahulog ang matamis na bunga mula sa sanga. Akyatin mo ang pangarap mo at tiyak na ito ay mapasasaiyo. Susuwertehin ka at tuloy-tuloy na sasagana ang buhay mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-13-25-32-34-46.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong habulin ang hindi mo nakuha. Ang sa iyo ay sa iyo at hindi mo kailangang paghirapan dahil mula noon, ang masarap na buhay mo ang mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-10-11-28-35-41.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Atras-abante ang higit na makakakuha ng malalaking suwerte. Sa pag-atras, nakakapag-isip ng mas mabuting gawin at pagkatapos ay umabante ka na. Sa ganyang paraan, mas maraming suwerte at magandang kapalaran ang iyong makukuha. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-9-15-17-30-33.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page