top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | Mayo 13, 2022 (Biyernes)

BULGAR
May 13, 2022
3 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| May 13, 2022


Sa may kaarawan ngayong Mayo 13, 2022 (Biyernes): Hindi ka dapat mabuhay sa mga negatibong pananaw. Bawat umaga ay maganda kaya dapat ay palagi kang positibo. Sa ganitong paraan, ang magandang kapalaran ay mananatili rin sa iyong karanasan.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ito ang araw na dapat mong lakasan ang iyong loob. Sumugod ka at hindi ka dapat matakot dahil paparating na ang mga suwerteng nag-aabang sa mga taong may malakas ang loob. Ito ang araw kung kailan matutupad ang mga ambisyon mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-10-19-26-34-41. TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi ka dapat magpaapekto sa mga taong sira ang buhay. Dahil tulad ng sakit, ang sira ang buhay ay nakakahawa rin. Mas magandang sila ay iyong iwasan at layuan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-10-14-21-23-39. GEMINI (May 21-June 20) - Kahit hindi mo pa alam kung ano ang kahihinatnan ng iyong plano, ituloy mo. Huwag kang mag-alala, sapagkat gaanuman kabigat ang mga pangyayaring iyong makakabangga, tatalunin mo pa rin ito. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-19-20-27-41-44.

CANCER (June 21-July 22) - Hindi lahat ng makapal at madilim na ulap ay pinagmumulan ng malakas na ulan. Ang marami sa mga ito ay hangin lamang. Lilipas din ang lahat ng ito tulad ng kinakaharap mong mga problema ngayon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-12-29-30-37-41. LEO (July 23-Aug. 22) - Lakasan mo ang iyong loob dahil ito ang tumatalo sa kaduwagan. Bakit mo nga ba aatrasan ang mga hamon ng iyong kapalaran, ngayon pa ba na medyo natatanaw mo na ang tagumpay? Harapin mo at tiyak na mananalo ka. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-11-17-22-28-31. VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Manghiram ka ng tapang sa malapit sa iyo na gumaganda ang buhay. Mapapansin mo sila na hindi takot makipagsapalaran at sila ang dapat mong gayahin. Kung ano ang kaya nila ay makakaya mo rin. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-17-21-28-36-41.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Gamitin mo ang iyong magagandang katangian. Ang mga ito ang sandata mo para magkaroon ng masagana at maligayang buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-16-24-29-30-38.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nagdaratingan ang magagandang kapalaran para sa iyo na kahit hinahadlangan ng iyong negatibong pananaw ay hindi magpapaawat na magsidapo sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-19-20-23-33-37.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Taas-baba ang galaw ng kapalaran mo. At sa ilang araw na darating, makikita mo na mapapanatag din ito at ang buhay mo ay makikitang paangat nang paangat. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-11-19-21-28-32. CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ito ang araw na matatapos na ang iyong mga pagtitiis. Nagpasya na ang langit at ito ay hindi na magbabago. Pagkakalooban ka ng maraming buhos ng suwerte na ngayon mo lang mararanasan sa tanang buhay mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-10-14-17-20-22.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - ‘Wag na ‘wag kang magpapadaya at makikinig sa mga nagsasabing hindi mahalaga ang materyal na bagay. Ang totoo, kapag wala kang materyal na bagay, maiinggit at malulungkot ka. Kaya planuhin mo kung paano mapaparami ang iyong salapi. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-20-24-25-39-40.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ito ang araw na nagbababala ang kapalaran mo na maaari kang malunod sa saya at ligaya kung kailan makakalimutan mo ang kahalagahan ng paghahanda para sa kinabukasan. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-7-10-18-21-28-30.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page