Horoscope | Mayo 12, 2022 (Huwebes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| May 12, 2022
Sa may kaarawan ngayong Mayo 12, 2022 (Huwebes): Kahit makaranas ka ng pag-atras ng mga suwerte, hindi pa rin nagbabago na ikaw ay aangat at hahawak ng matataas na posisyon sa lipunan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Napakaganda ng mga binabalak mo, ituloy mo lang at huwag ka nang mag-alinlangan. Kung magtatagal, maaaring hindi dumating ang eksaktong panahon para isagawa ang mga ito. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-12-29-30-34-39-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Harapin mo ang mga pagsubok na iyong nararanasan. Huwag mo itong talikuran dahil kapag nilabanan mo, tiyak na ikaw ang magwawagi. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-10-14-23-27-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Tapusin mo ang dapat tapusin. Hindi na makakaganda para sa iyo ang nakasanayan mo na bitin ang mga proyekto mo dahil maraming darating at maaaring mas mahirapan ka. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-4-8-19-25-38-41.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag mo nang habaan pa ang iyong ipapaliwanag. Sabihin mo na lang ang katwiran mo, hindi mo na problema kung maniniwala sila o hindi. Ang mahalaga, nasabi mo ang iyong panig. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-19-21-25-38-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Ingatan mong may masagasaan ka sa mga gusto mong gawin. Hindi makabubuti kung may masasaktan kang damdamin dahil maaaring mawala ang magandang pagtingin nila sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-25-28-30-32-35.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Bumubuhos ang malakas na ulan kapag sobrang maalinsangan. Ang kailangan mo ngayon ay mabawasan kahit paano ang inis at sama ng loob mo sa isang malapit sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-13-21-22-27-34.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Pasayahin mo ang isang bagong kakilala. Kapag nagtagal siya sa buhay mo, marami kang mapapakinabangan sa kanya dahil siya ay likas na may mabuting kalooban. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-10-15-28-33-39.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pakawalan mo ang gustong lumaya dahil bumabalik ang ibon sa kanyang nilayasang pugad. Dito sa mundo, mahirap makalimutan ang masasayang pinagsaluhan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-10-15-24-39-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magbago ka ng istilo dahil ang mga halaman ay nagpapalit ng mga lumang dahon nang sa gayun ay palaging manariwa at lumago ang mga ito hanggang sa ganap na mamulaklak at mamunga. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-18-21-26-32-33-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Pakinggan mong mabuti ang ipapayo sa iyo nang sa gayun ay masundan mo ang tamang paraan ng pagkakakitaan at mas umunlad ka kaysa sa kasalukuyan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-19-20-25-28-38-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kumakapit ang mga alikabok kahit sa bagong suot. Tanggapin mo ang katotohanan na rito sa mundo, may mga munting problema na kalakip ng tagumpay. Hindi ka dapat mag-alala dahil ang anumang problema ay mabilis ding maglalaho. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-14-22-24-36-41-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ang umaangat ay puwedeng bumagsak. Mag-ingat ka dahil ngayon, maraming isip-talangka na nakapaligid sa iyo at ayaw na ayaw nilang malamangan mo sila. Muli, mag-ingat ka. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-27-30-35-37-43.




Comments