Horoscope | Mayo 1, 2026 (Biyernes)
- BULGAR

- 4 hours ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 1, 2026

Sa may kaarawan ngayong Mayo 1, 2026 (Biyernes): Masuwerte ka ngayon! Ang kayamanan, katalinuhan, at kasikatan ay ginagarantiya na patuloy na mapapasaiyo mula sa araw na ito ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muling ipinapaalala sa’yo na kapag masaya ka, mas maraming magagandang bagay ang mangyayari sa buhay mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-10-15-28-36-43.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mamasyal at makipagkuwentuhan ka! Hindi makakabuti sa’yo kung madalang ka lang umalis o lumabas ng bahay. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-6-11-22-29-37-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Dagdag-suwerte ang para sa’yo. Kumbaga, susuwertehin ka at ang suwerte ay masusundan pa ng mas malalaking suwerte na magsisimula na ngayon mismo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-12-24-30-39-41.
CANCER (June 21-July 22) - Kumilos ka na parang hawak mo na ang iyong pangarap. Ito ay isang sikreto na isinabuhay ng mga nagtagumpay na. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-14-19-26-38-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hawakan mo ang nasa sa’yo at paramihin mo ito. Ang ganitong pormula ng pagpapayaman ay dapat mong isabuhay ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-16-21-27-34-36.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kakaibang sigla ang hatid sa’yo ng mga araw na ito. Magagamit mo ito sa anumang layunin mo sa buhay, pero ang rekomendasyon ay ituon mo ito sa kung paano mapapasaiyo ang iyong pangarap. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-11-15-23-30-43.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Bumili ka ng bagong kasuotan. Ito ang magsisilbing pampasuwerte mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-12-18-20-31-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kahit maraming makakapal na ulap sa kalangitan, patuloy pa rin ang pagdating ng magagandang bagay sa buhay mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-15-25-28-33-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magtanim ka para may anihin ka. Ngayon ka na magtanim ng magagandang bagay upang mas gumanda ang buhay mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-19-22-26-37-44.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi mahalaga kung may umaalalay sa’yo. Ang pasya ng langit ay bigyan ka pa ng dagdag na aalalay sa buhay mo. Tanggapin mo ito, dahil muli, ito ang pasya mismo ng langit. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-18-24-27-30-36.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong sayangin ang mga biyayang nasaiyo. Huwag mong tularan ang iba na kapag masaya ay nagsasayang at kung anu-anong walang kabuluhang aktibidad ang inaatupag. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-13-18-29-31-43.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi ka mapipigilan sa pagpaplano ng pagpunta sa malalayong lugar. At kahit hindi ka pa handa, walang magagawa ang kahit na sino. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-7-10-14-22-44.


Comments