Horoscope | Mayo 1, 2022 (Linggo)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| May 1, 2022
Sa may kaarawan ngayong Mayo 1, 2022 (Linggo): Saya ang kailangan ng iyong buhay, kaya maghanap ka ng saya. Ang kalungkutan, kung sakaling sumaiyo, dapat ito ay iyong takasan dahil ito ang magpapapangit ng iyong kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Paghinayangan mo ang maliliit na kita. Ang kayamanan ay naipong maliliit na pakinabang. Mayroon ding malalaki, pero ang mga ito, kadalasan ay nauuwi lang din sa wala. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-11-18-25-29-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magbawas ka ng sigasig na nakatuon sa pagsisikap. Ang iyong ibabawas ay ilagay mo sa kung paano pasasayahin ang mga mahal mo sa buhay. Sa ganitong paraan, lalong sisigla ang iyong mundo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-12-16-24-39-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Ito ang itinakda ng langit, kung saan kahit ayaw mo, sosobra ang mapasasaiyong suwerte sa buhay. Puwede mo rin namang ibahagi sa iba, basta ang mahalaga, ang mga ito ay dumaan sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-17-20-21-28-35-37.
CANCER (June 21-July 22) - Suwerte ka ngayon at ang suwerte ay mananatili sa mga araw pang darating. Ito ay nagsasabing kahit hindi mo maiwasang sayangin ang iba, may matitira pa rin sa iyo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-7-19-27-32-40-43.
LEO (July 23-Aug. 22) - Muling nagbalik ang mga araw kung kailan ang bawat plano mo ay magbubunga ng gusto mong resulta. Dahil dito, magplano ka nang magplano ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-24-29-33-38-44.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mag-utos ka at masusunod ka, pero sa paraan na ang uutusan ay sasaya at hindi sobrang mahihirapan. Ito ay mangyayari ‘pag may kalakip na bagay na magbibigay sa kanya ng sigla. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-16-22-27-30-39-46.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi mangyayari ang pinakagusto mo, pero ang magaganap ay sobra sa sapat para masabi mong mas maganda sa buhay na tanggapin ang gusto ng langit. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-21-28-34-38-43.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Makibahagi ka sa usapan kung paano mabilis na aasenso ang lahat. Inaasahan na marami kang maiaambag na magagandang pananaw nang sa gayun ay maabot mo ang lahat ng kaunlaran. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-21-24-39-31-36-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Napakalakas ng iyong kasiglahan ngayon, kung saan makikitang tugma sa iyong matinding hangarin na lalo pang yumaman. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-sky blue. Tips sa lotto-7-18-20-21-27-32.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Pigilan mo ang iyong damdamin. Ang sobrang pagmamahal, kapag nalaman ng minamahal, kadalasan ay nagiging sanhi ng pagkaargabiyado ng taong sobrang nagmamahal. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-21-28-39-40-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kapag maganda na ang takbo ng buhay, hindi na kailangan pa ang mga bagong ideya. Huwag mong kakalimutan na kadalasan, sa pag-e-eksperimento, ang maganda ay pumapangit pa. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-3-16-22-29-37-43.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nagbababala ang iyong kapalaran na kapag nilunod mo ang iyong sarili sa masasyang kaganapan, baka hindi ka na makaahon at tuluyan nang hindi bumuti ang iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-apple green. Tips sa lotto-18-20-22-26-37-42.




Comments