top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | May 9, 2024 (Huwebes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 9, 2024



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Mayo 9, 2024 (Huwebes): Umaasenso ang tao dahil siya ay may mayamang imahinasyon. Sapat na ang mayamang imahinasyon mo para umunlad ang iyong buhay. 

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nagbababala ang araw na ito na maaari mong madaya ang iyong sarili. Ang payo ay nagsasabing, mas magandang pakinggan mo ang mga taong malalapit sa buhay mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-16-23-29-34-40.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Malilibang ka sa magaganda at nakatutuwang kuwento. Bukod sa sasaya ka, may makukuha ka pang ideya na maaari mong magamit sa pagpapaunlad ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-11-20-37-41-45

 

GEMINI (May 21-June 20) - Kahit marami ka nang naipon na kaalaman sa negosyong gusto mo simulan, mas maganda pa rin na magtanong. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-9-15-24-34-40-42.

 

CANCER (June 21-July 22) - Magtanim ka ng kabutihan sa kapwa. Kumbaga, gawan mo sila ng maganda. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-14-21-27-30-44.

 

LLEO (July 23-Aug. 22) - Kumalma ka sa lahat ng sitwasyon. Ang pagbabago ng damdamin ay kadalasang sanhi ng paghina ng kalusugan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-11-28-34-40-43.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Gamitin mo ang kakayahan mong makipagtuos upang mas kumita ang iyong negosyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-19-27-33-39-44.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mo hayaang maagaw ng iba ang para sa iyo. Pero sa totoo lang, kahit maagaw ito sa iyo, muli itong magiging iyo dahil siya ay sadyang para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-17-24-36-40-45.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ibahagi mo sa iba ang magaganda mong ideya. Malaki ang maitutulong nito sa taong gustung-gustong umasenso ang buhay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-12-15-21-33-42.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Bagong paraan at istilo ang ikonsidera mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-18-24-27-39-40.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Manghiram ka ng galing at husay sa iyong kakilala. Kopyahin mo ito dahil lahat naman ay nangongopya rito sa mundo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-16-20-29-34-41.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Maglibang ka, pero mag-ingat ka, at ‘wag mong kakalimutan ang iyong mga pangarap. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-10-22-28-31-40.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Tumulong ka sa mahihina, at hayaan mo na ang malalakas. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-16-20-29-33-45.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page