top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | May 8, 2024 (Miyerkules)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 8, 2024



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Mayo 8, 2024 (Miyerkules): Suwerte ang hatid mo sa mga tao, lalo na sa mga taong dumidikit sa iyo, dahil ang misyon mo rito sa mundo ay magdala ng mga suwerte.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Katatagan ang higit mong kailangan ngayon. Dahil kapag matatag ka, hindi masasayang ang paparating na magagandang kapalaran na nasa harapan mo na ngayon. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-9-10-15-29-33-45.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Muling darating ang mga araw na kung saan kusang lalapit sa iyo ang magagandang kapalaran. Maging masinop at mapagpahalaga ka sa mga biyayang mapapasaiyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-18-23-28-35-37.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Makipagsapalaran ka dahil ang panalo ay nakaabang na sa iyo. Hindi mo man aminin, nabuhay ka para makipagsapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-14-21-23-31-39-41.

 

CANCER (June 21-July 22) - Nakatago sa pangit na pangyayari ang malaki mong suwerte. Ang payo sa iyo ay anuman ang dumating, tanggapin mo lang nang tanggapin. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-13-22-28-33-38.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Huhusgahan ka ng mga taong mapanghusga. Huwag mo silang patulan, at mas magandang manahimik na lang upang mas mapahiya sila. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-17-25-35-39-42.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magaling kang magpayo. Pero, maaari mo nga bang payuhan ang iyong sarili? Siyempre hindi, lalo na kung nag-aalinlangan ka. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-10-14-26-30-44.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mula ngayon, gumising ka ng maaga para dumapo sa iyo ang mga suwerteng hindi mo inaakala. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-21-24-28-33-40.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ito ang araw na inilaan sa iyo. Puwede mo nang gawin lahat ng mga binabalak at pinaplano mo. Dahil ngayong araw ka rin papatnubayan ng langit, kaya anuman ang hilingin mo, tiyak na matutupad at magkakatotoo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-17-27-33-35-45.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kailangan mong malampasan ang mga sagabal sa daang nilalakaran mo. Huwag mong talikuran ang mga pagsubok sa buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-15-22-26-30-42.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Noon pa nagpasya ang langit na hulugan ka ng mga magagandang kapalaran. Ibig sabihin, kahit wala kang gawin at kahit mali-mali pa ito, susuwertehin ka pa rin. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-21-28-33-37-45.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang magbabago ng desisyon, kahit pa may magagandang kang maisip. Ito ang sikreto ng kapalaran na kapag nasunod mo ay bubuwenasin ka nang husto. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-16-20-27-30-42.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Lalakas ang loob mo, pero panandalian lang ito. Magkagayunman, may mga suwerte ka pa rin namang makukuha. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-10-14-27-35-44.


0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page