top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Horoscope | May 8, 2023 (Lunes)

Writer: BULGAR
BULGAR
May 8, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 8, 2023

Sa may kaarawan ngayong Mayo 8, 2023 (Lunes): Marami ang mabibigyan ng suwerte at bubuwenasin dahil sa iyo. Ito ang nakabalot na hiwaga sa araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kakaibang kaba ang iyong madarama, wala kang dapat ikabahala, tiyak na malalaking suwerte ang masasagap mong paparating. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-20-29-30-31-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Masuwerteng araw ito sa pag-aayos ng mga gamit sa bahay. Puwede mo nang ilipat ang mga gusto mong ilipat at tiyak na magdaratingan ang mga suwerte sa buhay mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-10-14-15-27-32.

GEMINI (May 21-June 20) - Babagal ang iyong kilos, at ‘di mo magagawang hadlangan ang isip mo na suriin ang mga nagawa mo sa nakaraan at kasalukuyan para sa ikakaayos ng lahat. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-15-27-34-35-41.

CANCER (June 21-July 22) - Negatibo ang epekto ang pakikialam ng iyong emosyon sa mga plano mo. Mas maganda kung huwag mong hayaan ang iyong emosyon na maghari. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-13-20-25-27-39-40.

LEO (July 23-Aug. 22) - Magsakripisyo ka upang pagkakalooban ka ng magagandang kapalaran. Ang kasunod ng sakripisyo ay umaapaw na biayaya. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-14-21-23-31-36.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Masyado kang palatanong kahit minsan ay alam mo naman ang sagot. Ngunit makakabuti rin naman ito para sa iyo. Ito ang paalala ng kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-20-21-22-24-26.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huminto ka muna. Mas makabubuti na pag-aralan ang susunod mong gagawin. Hindi pa ngayon ang panahon ng pagsugod. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-12-22-25-28-38-39.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ituturo ng iyong kapalaran ang tamang paraan para sa pagnenegosyo. Ang mga karanasan mong ito ang magpapaganda sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-23-28-30-33-35.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Umiwas ka sa mga pagkain na hindi makakabuti sa kalusugan mo. Hindi tama ang pinaniniwalaan ng iba na ang bawal ay masarap. Para sa iyo, ang tunay na sarap ay ang pagtupad sa pangarap. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-14-21-25-29-37-38.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Marami ang nag-aakalang sila ay pinagdadamutan ng kapalaran, ngunit mapalad ka dahil nag-uunahan ang mga suwerteng dadapo sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-17-26-34-36-41.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Upang mas malalaki at marami ang suwerteng mapasaiyo, lihim mong tulungan ang may galit sa iyo. Mas maganda kung may sama ng loob sa iyo ang pipiliin mong tulungan. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-14-15-25-29-30-32.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kapag may nagpakita sa iyo ng hindi maganda, lihim kang magpasalamat dahil ang isa sa mga kondisyon upang ika’y suwertehin ay ang pagkilos ng kapwa mong ‘di mo magugustuhan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-15-19-28-30-38-41.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page