top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | May 7, 2024 (Martes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 7, 2024



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Mayo 7, 2024 (Martes): Tinitiyak ng kapalaran mo na malayo ang iyong mararating. Ito rin ay nagsasabing madami kang tagumpay na matitikman.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muling gagana ang iyong mayamang isipan. Lalayo ang agwat mo sa iyong mga karibal at maiiwanan mo sila. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-12-19-24-30-35.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong harangan ang paparating na mga suwerte. Bakit binabakuran mo ng negatibong pananaw ang sarili mo? Maging positibo ka para gumanda ang buhay mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto- 2-18-25-30-35-44. 


GEMINI (May 21-June 20) - Matalino ka pero sa mga araw na ito puwede kang maisahan dahil aakalain mong mas maganda ang mga ideya na naririnig mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-12-15-17-21-41-45.

 

CANCER (June 21-July 22) - Sakyan mo lang, ngunit huwag mo silang paniniwalaan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-11-19-25-39-43.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Magtanim ka ng kabutihan sa iyong kapwa para makaani ka ng matatamis at tila walang katapusang mga biyaya. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-13-16-35-38-41.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ipahiram mo ang mga magagandang ideya sa mga taong alam mong marunong magpasalamat habang ipagdamot mo naman ito sa mga taong kilala mong makasarili at walang magawang mabuti. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-17-20-31-36-40.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Biglang papasok sa isip mo na pumunta sa malayo. Hindi mo man magawa ngayon, ikunsidera mo na lang ito sa ibang araw dahil kailangan mo talaga lumayo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-9-18-21-27-31.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magbabalik ang maganda mong kapalaran. Manatili kang positibo at ang isa mo pang kailangang gawin ay mag-isip ng mga bagong ideya. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-19-25-27-39-40.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Totoong maraming magandang bagay kang naiisip, ngunit sa ngayon ang sundin mo ay ang mga payo ng taong malalapit sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-5-17-26-30-33-42.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ibinabalita ng iyong kapalaran na ang masaganang buhay ay iyo nang makakamtan. Pero, isabuhay pa rin ang pagiging masinop sa mga suwerteng hawak mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-14-20-22-39-43.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Pumili ka lang ng isa sa napakaraming pangarap mo sa buhay, at piliin mo kung saan ka madadalian. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-11-15-17-23-35.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Muling ipagkakaloob sa iyo ang espesyal na pribilehiyo na kung ano ang gusto mong mangyari, ‘yun din ang magaganap sa buhay mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-21-28-31-34-44.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page