top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Horoscope | May 7, 2023 (Linggo)

Writer: BULGAR
BULGAR
May 7, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 7, 2023

Sa may kaarawan ngayong Mayo 7, 2023 (Linggo): Malikhain ang iyong kaisipan, ngunit iwasan mong lumikha ng mga negatibong bagay. Ituon mo sa pagpapayaman ang espesyal na katangiang mayroon ka.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ngayon ang tamang araw, kung saan ay maari kang bumuo ng iyong mga plano para sa ikakaganda ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-10-15-20-34-42.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mahina ngayon ang depensang natural mo sa mahuhusay magsalita na may planong ‘di maganda. Ang payo ay ‘wag mong pahalagahan ang mga bagong kakilala. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-19-20-27-30-32-36.


GEMINI (May 21-June 20) - Mataas ang tsansa na makapag-imbento ka ng mga bagay. Marami ang matutuwa dahil sa kakaibang magagawa mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-18-25-29-33-41.

CANCER (June 21-July 22) - Muli kang dadalawin ng mga suwerte, hindi na dapat maulit ang nakaraang pinalagpas mo ang maraming oportunidad. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-violet .Tips sa lotto-6-10-28-29-30-32.

LEO (July 23-Aug. 22) - Nagbababala ang araw na ito na puwedeng lumabis ang kumpiyansa mo sa iyong sarili. Aakalain mong kontrolado mo ang lahat ng nangyayari sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-peach .Tips sa lotto-11-19-21-22-26-34.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Inaayos na ng kapalaran ang ‘di mo kayang ayusin. Palagi itong nangyayari sa iyo at paulit-ulit na ang pagkakamali mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-19-22-28-30-38.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Walang katiyakan ang pakikipagsapalaran mo sa pakikipagrelasyon. Gawin mo ang lahat ng kaya mo, ngunit dapat handa ka sa anumang ibibigay ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-9-10-21-26-32-33.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Makikitang ikaw ay may sariling mundo. Dahil dito, pansamantala kang magiging masaya. Sa ngayon, wala namang hadlang sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-19-20-29-35-42

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ihanda mo ang sarili dahil magdaratingan ang magagandang oportunidad na tugma sa mga ambisyon mo. Mas maganda kung ikaw ay positibo. Masuwerteng kulay- green. Tips sa lotto-19-21-27-38-40-41.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Malayo ang iyong iniisip sa tunay na pangyayari. Mas makabubuti kung tatanggapin mo ang reyalidad. Sa ganitong paraan, mabubuhay ka nang payapa at panatag. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-21-25-27-34-42.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Madali kang mapapaniwala, ito ang iyong kahinaan ang magagandang salita ay agad na tatalab sa iyo. Kilalanin mong mabuti ang iyong nakakausap. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto- 18-22-24-26-34-35.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mamalasin ang mga kontrabida na walang inisip kundi ang makita kang bigo. Gayunman, baliktad ang mangyayari, sila ang mapapahamak at mabibigo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-21-25-28-30-32-38.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page