top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | May 6, 2024 (Lunes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 6, 2024



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Mayo 6, 2024 (Lunes): Kahit paulit-ulit kang magkamali, paulit-ulit pa ring pagagandahin ng langit ang buhay mo. Ito ang ibig sabihin ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Pumili ka! Ang payo ay piliin mo kung ano ang maganda sa paningin mo, at ang isa pang payo ay huwag mong  pansinin ang nagsasabing hindi dapat piliin ang maganda sa paningin. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-11-18-27-33-45.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Masuwerte ka ngayon at sa ilang araw pang darating. Maging ang mga kaibigan mo ay susuwertehin din. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-17-23-34-40-44.


GEMINI (May 21-June 20) - Maraming mga mata ang nakatutok sa iyo, inaasahan nila na hindi ka mabibigo sa iyong mga layunin. Nakahanda na rin ang kanilang mga kamay upang palakpakan ka. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-15-23-26-34-45.


CANCER (June 21-July 22) - Biglang lalakas ang iyong karisma, kaya mas lalong dadami ang magkakagusto sa iyo. Magkagayunman, hawak mo ang kanilang lungkot at kaligayahan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-7-24-30-35-43.


LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong  pigilan ang sarili mo na magsaya. Ang araw na ito ay para sa pagsasaya. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-19-28-34-37-44.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kahit mabawasan ang kaban ng iyong yaman, huwag kang mag-alala. Dahil ang mga halaman kapag tinalbusan ay mas lalong lumalago. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-16-23-25-32-40. 


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Iyo ang araw na ito at ang ilang araw pang darating. Salubungin mo ito nang may galak at sigla. Pasayahin mo rin ang iyong sarili, gayundin ang mga kaibigan at kakilala mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-15-24-27-33-45.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pinahanga mo ang langit dahil sa pagsasakripisyo mo. Nakahanda na ang espesyal na magandang kapalaran na ipinagkaloob sa tulad mong nagsasakripisyo para sa ibang tao. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-11-17-29-34-40. 


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magpasalamat ka sa mga inspirasyon mo sa buhay. Kung wala sila, maaaring hindi mo naabot ang kinalalagyan mo ngayon. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-9-12-27-33-45.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong hanapin sa malayo ang iyong mga suwerte, dahil nasa tabi mo lang ito. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-5-14-23-37-41.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Pinipintasan ka nila dahil paiba-iba ka ng isip o pasya.  Ang hindi nila alam, kaya ka binubuwenas ay dahil sa pagbabagu-bago mong pasya. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-8-11-13-22-26-34.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung iniisip mong mamasyal, mamasyal ka. Sa katunayan, kailangan mong mamasyal o pumunta sa ibang lugar. Ito ang  kondisyon upang manumbalik ang mga suwerte mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-7-16-25-28-35.




0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page