top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | May 4, 2024 (Sabado) ang mensahe ng iyong kapalaran.

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 4, 2024



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Mayo 4, 2024 (Sabado): Taglay mo ang kakayahang baguhin ang anumang gusto mong baguhin. Ito ang iyong lihim na kapangyarihan kaya gamitin mo ito sa kabutihan.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iwasan mo ang anumang klase ng debate, kahit ang pagpapalitan ng mga opinyon ay iyong iwasan. Mas magandang asikasuhin kung paano mo mapapabilis ang iyong pagyaman. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-9-15-22-29-34.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang maniwala sa hindi mo naman pinagkakatiwalaan. Mas maganda na kung sino ang tagapayo mo noon, siya ang iyong pakinggan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-

 

GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong dagdagan ang kapos at kulang. Ito ay kusang maaayos habang tumatakbo ang mga araw. Kapag nagpumilit ka, ang kulang at kapos ay lalong mababawasan. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-5-14-23-33-39-44.

 

CANCER (June 21-July 22) - Hindi mo kailangan ngayon ang kahit na sino dahil mas maguguluhan ka kapag may nanghimasok sa buhay mo. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-2-11-19-25-34-43.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Manghiram ka ng magagandang ideya sa ibang tao hindi dahil kapos ka sa mga ito kundi para madagdagan ang mga bagong pormula na magpapabilis sa iyong pag-asenso. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-4-13-19-28-37.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi mo inaasahan ang darating, kaya malulungkot ka. Pero bigla kang sasaya, dahil higit sa inaasahan mo ang agad-agad na ibibigay sa iyo ng langit. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-2-8-10-22-31-45.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung ano ang mayroon ka, ‘yun ang gamitin mo. Ang mahalaga ay masimulan mo na ang gusto mong isagawa. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-12-26-29-33-40.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang makisali sa hindi magkaintindihan. Mas gugulo lang ang sitwasyon at madadamay ka pa sa problema nila. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-7-16-25-28-34.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nabubuhay ang tao para sa kanyang kinabukasan. Huwag mo nang balikan pa ang nagdaan dahil ang ganu’ng bagay ay sagabal lang sa pag-usad ng iyong kalagayan ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-12-18-26-32-40.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Sumunod ka sa mga lumang prinsipyo ng buhay. Maliligaw ka kapag sinundan mo ang mga bago at naiibang pormula ng pagpapayaman. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-11-25-33-39-45.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung saan ka masaya, roon ka. Walang tao na gustong mahirapan at makaranas ng kalungkutan. Masuwerteng kulay-gold. Tips sa lotto-4-13-22-27-34-41.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang umangal at sakyan mo lang ang agos ng buhay. Sa huli, masusumpungan mo rin ang iyong sarili na nasa harap mo na ang iyong pinapangarap. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-7-17-21-29-31-40.


0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page