Horoscope | May 27, 2023 (Sabado)
- BULGAR
- May 27, 2023
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 27, 2023
Sa may kaarawan ngayong Mayo 27, 2023 (Sabado): Mas malakas ka kaysa sa mga pangkaraniwan. Marami ang hahanga sa mga tagumpay na nakakamit mo. Ito ang mensahe ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyo ang araw na ito. Muling nagbalik ang araw na ito kung saan lalapit sa iyo ang mga suwerte. Ngunit kaakibat nito ang mas madaming mainggit sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-10-16-29-35-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung sino ang puwede mong pagkunan ng inspirasyon, sa kanya ka dumikit. Huwag kang lalapit sa mga taong alam mong mahina ang personalidad dahil mataas ang tsansang ikaw ay mahawa. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-18-20-21-24-28-35.
GEMINI (May 21-June 20) - Magdadatingan ang magagandang kapalaran mo na mas magbibigay sa iyo ng saya. Kaya kapag ang tao ay sobrang saya, sobra rin kung siya ay gumastos. Huwag mong gawin ‘yan, dahil mabilis na masisimot ang savings mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-11-16-27-29-33.
CANCER (June 21-July 22) - Tanggapin mo kung ano ang ibibigay sa iyo, dahil ito ay nautusan lamang ng langit na gawin para sa iyo. Kumbaga, ginamit siya bilang tulay ng upang ang grasya ay mapasaiyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-12-15-18-20-25-26.
LEO (July 23-Aug. 22) - Dadalawin ka ngayon ng suwerte. Hindi man kalakihan pero sapat na para masabi mong malakas ka sa langit. Ito ang mensahe sa iyo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-16-28-28-35-38.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ilalapit sa iyo ng langit ang isang tila ba nawawalan na ng pag-asa sa buhay. Ang mga salita mo ang magpapalakas sa kanyang loob. Huwag kang ma-inlove, dahil siya ay pansamantala lamang sa buhay mo. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-18-20-22-25-36-39.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) – Anuman ang naisin ng kasintahan mo sundin mo na lamang. Kahit na hindi mo ito gaano nauunawaan. Sa ganito paraan, hindi makakasingit ang problemang maaaring dumating sa inyo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-19-22-24-27-33-37.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi maganda para saiyo ang umasa sa kawalan. Ibig sabihin, mabuhay ka sa reyalidad at hindi sa likhang-isip na walang katotohonan. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-11-16-20-25-28-31.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang lilihis sa ambisyon mo. Kahit pa ang daang nilalakaran mo ay may maganda sa paningin. Ang mga ito ay makakasira lamang sa buhay mo. Masuwerteng kulay-magenta. Tips sa lotto-6-17-23-28-30-39.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kumukuha ng malakas na buwelo ang kapalaran mo dahil sa noong nakaraan ay hindi sapat sa iyo ang biglaang pagdating ng magagandang kapalaran na ibigay niya para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-22-28-34-37-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Pagmasdan mo ang nananariwang ang mga halaman dahil sa pag-ulan. Matapos na bumuhos ang mga luha mo makakaasa ka na magkakaroon ka ng sariwa at bagong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-10-11-19-32-38-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dumating na ang tamang araw para sa iyo. Kaya kalimutan mo na ang nakaraan mong pagkakamali. Mag move-on ka na. Alisin mo na ang pag-aalinlangan at gawin mo ang lahat ng gusto mong gawin. Magugulat dahil mabilis kang magwagi. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-18-20-21-27-33-38.




Comments