top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | May 26, 2024 (Linggo)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 26, 2024



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong 26, 2024 (Linggo): Maghintay ka dahil tiyak na makakamit mo rin ang iyong mga pangarap. Huwag na huwag kang maiinip. Muli, matuto kang maghintay.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Gawin mo lang ang kasalukuyan mong ginagawa. Hindi pa ngayon ang panahon upang magpalit ng susi ng tagumpay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-9-18-27-33-39.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kumilos ka ayon sa plano mo. Huwag kang mabahala kapag sa biglang tingin ay parang hindi  gumagana ang mga plano mo. Ituloy mo lang ito, dahil sa bandang huli, suwabeng-suwabe mo rin itong matutupad. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-15-22-28-34-42.


GEMINI (May 21-June 20) -Huwag mong pansinin ang mga mamimintas at walang ginawa kundi abangan ang pagkakamali ng kanilang kapwa. Masasayang lang ang oras mo sa ganitong klaseng mga tao. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-5-16-23-29-33-45.


CANCER (June 21-July 22) - Bantayan mo ang mga kinakain mo. Hindi lahat ng pumapasok sa bibig at tiyan ay napapakinabangan. Huwag kang kakain ng mga pagkaing mahirap matunaw. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-11-20-28-34-39.  


LEO (July 23-Aug. 22) - Hayaan mo lang ang kokontra sa iyo. Sa ngayon lang naman siya ganu’n,  dahil pagkatapos naman nito ay  makikitang malapit na malapit sa puso niya. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-4-11-19-26-34. 


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Tumitibay at tumatatag ang tao dahil sa mga pagsubok na kanilang pinagdaraanan, kaya hindi dapat takasan o iwasan ang mga ito. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-14-18-25-37-40.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mapapagaan ang buhay mo sa pananahimik. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-15-16-22-39-45. 


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magkunwari kang hindi gaanong nahihirapan sa buhay. Sa ganito, mas madali kang makakaahon sa problema at agad na magtatagumpay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-12-18-21-33-44.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong pilitin na tapusin ang mahirap tapusin. Ang buhay ay hindi pabilisan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-6-15-27-36-44. 


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Suwerte ka ngayon at biglaan ang dating ng mga suwerte mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-8-13-28-34-39.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Tanggapin mo nang maluwag sa loob ang mga kaganapan, kailangan itong mangyari para mabigyan ng daan ang mga suwerte mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-11-17-22-31-45.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ngumiti ka kapag nahihirapan at napapagod ka dahil ito ang kondisyon ng langit bago ihulog sa iyo ang malalaking suwerte. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-7-20-26-34-40.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page