top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | May 25, 2024 (Sabado)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 25, 2024



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Mayo 25, 2024 (Sabado): Hindi ka mauubusan ng mga suwerte. Ito ang mensahe ng araw ng iyong pagsilang.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Gamitin mo ang mayamang imahinasyon mo para palaguin ang iyong negosyo. Huwag na huwag mo itong gagamitin sa mga negatibong bagay at pananaw. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-11-19-24-38-45.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung ano ang laman ng isip mo, iyon ang mangyayari. Kaya mas mabuti kung magagandang bagay lang ang ilagay mo sa iyong isip. Ito ang payo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-15-25-29-31-36-40.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Pag-aalinlangan ang pinakamahigpit mong kaaway ngayon. Hindi ka dapat mag-alinlangan, upang magtuluy-tuloy ang suwerte at magandang kapalaran mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-13-23-39-41-45.

 

CANCER (June 21-July 22) - Humingi ka ng payo para sa mabibigat na suliranin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-19-28-38-40-44.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Lalayo ang agwat mo sa karibal at kakumpintensya mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-13-20-24-33-37-43.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Makipagkuwentuhan ka. Ito ang mabisang panlaban sa pagkabagot. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-15-18-21-25-37.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nagbabalita ang araw na ito at ang ilang araw pang darating na magdadagsaan muli sa iyo ang mga suwerte. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-11-23-39-43-45.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Bukod sa sarili mo, tutulungan ka ng langit upang maayos mo ang iyong sarili. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-14-23-38-41-44.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nakakamangha ang mga opinyon ng malalapit sa iyo. Kunin mo ang mga ideya na makakatulong sa iyo. Hindi masama ang mangopya ng magagandang pananaw. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-17-24-26-34-40.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi para sa iyo ang mga taong umalis at wala na. Ang para sa iyo ay mananatili at maglalapitan sa iyo. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-5-16-25-38-41-44.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Dapat mas maghari sa iyo ang positibo mong pananaw nang sa gayun ay mas umabante pa lalo ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-10-21-27-35-38.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Bilangin mo ang mga biyayang napapasaiyo. Maging tapat ka sa sarili mo dahil mas madami ito kaysa sa mga kahilingan mong nabigo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-22-24-29-34-37.



0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page