top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | May 24, 2024 (Biyernes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 24, 2024



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Mayo 24, 2024 (Biyernes): Habang lumalakad ang panahon, gaganda rin nang gaganda ang iyong kalalagyan. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Maaakit ang mga mata mo sa magaganda at malalambing. Wala kang dapat ipag-alala dahil magiging positibo naman ang resulta. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-15-21-24-33-45.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Susuwertehin ka ngayon. Kahit wala kang gawin o makagawa ka man ng pagkakamali, hindi na makakaatras ang magagandang kapalaran para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-18-27-39-42-44.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Bibilis na lalo ang mga pagkilos mo dahil sa mga bagong inspirasyon. Tandaan mo na ang inspirasyon ay nagpapaganda ng buhay at hindi sumisira ng kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-17-25-28-35-40.

 

CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong hadlangan ang iyong damdamin. Kadalasan, ang sanhi ng pagkakaroon ng karamdaman ay ang pagpigil sa kagustuhan ng damdamin. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-16-22-29-37-45.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Tatamis ang mga salita mo at maaakit sa iyo nang husto ang kasalukuyang dikit nang dikit sa iyo. Sa huli, mas malalim na relasyon ang inyong pagsasaluhan. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-1-11-17-19-22-26.

  

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Maghanda ka dahil papaganda ang takbo ng iyong buhay. Kung hindi ka nakahanda, masasayang lang ito at mababalewala. Ang paghahanda ay ang pangako na hindi ka mag-aaksaya. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-16-20-28-33-45. 

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kabilang ka sa mga susuwertehin at ang isa pang masayang balita ay mas masuwerte ka kaysa sa mga kapwa mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-15-24-27-33-39.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kumilos ka para sa iyong kapakanan. Kung hindi sinasadyang makikinabang ang iba sa kilos mo, okey lang. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-18-21-31-38-41.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hayaan mo lang ang mga gumagawa ng mali. Sa huli, malalaman din nila ang kanilang pagkakamali. Ngayon, ang sinumang makialam sa kanila ay itatrato nilang kaaway. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-11-13-19-22-28.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung ano ang hilig mo, roon ka. Ang magandang balita ay nagsasabing kapag ang pinili ay hilig, sasaya ka at ang lungkot ay mawawala. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-12-17-25-29-33.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Lumalakas ang pang-akit mo dahil mas dumarami ang naaakit sa iyo. Ang hindi nila alam, hindi ka puwedeng alipin at angkinin nang ganap. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-16-20-25-38-40.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hayaan mo lang ang hindi makaunawa sa iyo dahil hindi mo obligasyon na magpaliwanag sa kanila. Sila ang bahalang maghanap ng paraan upang unawain ka. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-13-19-22-28-45.


0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page