top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Horoscope | May 23, 2024 (Huwebes)

Writer: BULGAR
BULGAR
May 23, 2024
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 23, 2024



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Mayo 23, 2024 (Huwebes): Magnegosyo ka dahil sa negosyo ka yayaman. Mamamasukan ka, pero aalis ka rin naman. Kaya muli, magnegosyo ka.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mabibilis ang kaganapan sa iyong harapan. Ikaw din naman ay makikitang tinatangay ng mabibilis na pangyayari. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-18-28-33-39-45.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nagkalat ang mga mandaraya, kaya para hindi ka mabiktima, makipag-ugnayan ka sa iyong mga pinagkakatiwalaan at kakilala. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-15-12-24-35-40.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Araw mo ngayon at ang mga susunod na araw ay para pa rin sa iyo. Pasayahin mo ang mga nakakasama mo at ang mga nagpakita sa iyo ng mabuti gamit ang mga suwerteng matatanggap mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-14-19-23-32-44.

  

CANCER (June 21-July 22) - Kahit may mga pinagdaraanan ka, may saya pa ring makikita sa iyo. Ang saya na ito ay magsisilbing hudyat na ang mga suwerte mo ay magdaratingan na sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-11-16-25-29-38.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Bilang katuwaan pero isa ring seryosong bagay, kaya mo bang pigilan ang mga kamay mo sa paggastos nang wala sa lugar? Hindi mo kaya, ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-13-22-28-34-40. 

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Dumikit ka sa mga taong may magandang kapalaran upang gumanda rin ang kapalaran mo. Kaya bakit ka didikit sa mga problemado? Hahawaan ka nila at darami ang suliranin mo sa buhay. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-5-14-23-29-32-40. 

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Lumabas ka ng bahay dahil hindi ka puwedeng manatili nang matagal sa loob ng iyong bahay. Kunsabagay, kahit hindi naman ito ipinayo sa iyo, tiyak din namang maglalakwatsa ka. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-12-15-24-33-45

  

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ikaw lang naman ang nagpapalaki ng iyong problema. Hayaan mo lang ang takbo ng mga pangyayari at makikita mong maliit na bagay pala ang nagpapasakit ng iyong ulo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-10-16-25-34-40.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page