top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Horoscope | May 22, 2021 (Sabado)

Writer: BULGAR
BULGAR
May 22, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| May 22, 2021



Sa may kaarawan ngayong Mayo 22, 2021 (Sabado): Unahin mo ang iyong sarili bago ang iba. Masyadong mauubos ang panahon para sa sarili mo dahil sa pakikisangkot sa problema ng iyong kapwa.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Gawin mo ang gusto mong gawin. Hindi maganda sa tao ang hindi maituloy ang gustong gawin dahil sa sinasabi ng mga nasa kanyang paligid. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-10-14-29-30-41.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi ka mahina. Nasa isip mo lang ang mga bagay na tumatakot sa iyo. Ang nasa isip ng tao ay nakakaimpluwensiya sa mga kilos niya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-17-28-35-41-45.


GEMINI (May 21-June 20) - Kulang ka lang sa tiwala sa sarili kaya ka nakakaramdam ng panghihina ng loob. Balikan mo ang mga araw na tinalo mo ang mga pagsubok sa iyong harapan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-19-21-26-34-42.


CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong intindihin ang mga munting kabiguan. Hindi sapat ang mga ito para sumuko ka at hindi na ituloy ang iyong mga pangarap. Ito ang mensahe para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-18-20-25-31-33.


LEO (July 23-Aug. 22) - Magsaya ka kahit marami kang inaatupag na mga gawain. Ang taong masaya, kahit mapagod ay hindi maaapektuhan ng lungkot at kabiguan. Kaya mas magandang lakipan mo ng saya ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-11-15-23-38-40.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huminga ka ng malalim kapag pagod ka at nahihirapan ang isip. Gawin mo at manunumbalik ang lakas at talas ng iyong isip. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-22-36-38-40-42-44.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong pansinin ang mga sinasabi ng tao. Ang mga hindi magandang sinasabi at papuri sa iyo, dedmahin mo lang lahat ito. Tutukan mo ang mga gusto mong gawin sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-17-24-30-31-46.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Masaya ka dahil pinasaya ka ng iyong kapalaran. Pero puwede ka ring malungkot dahil binibigyan mo ng lungkot ang sarili mo. Ito ang mensahe ng kapalaran sa kasalukuyan. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-9-14-15-24-39-41.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kumikilos ang kapalaran para bigyang-daan na mawala ang mga hindi mo maunawaang lungkot. Sakyan mo lang ang mga pangyayari sa iyong harapan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-18-23-25-34-40.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Maghintay ka lang. Ito ang sikreto ng kapalaran mo ngayon. Muli, maghintay ka at makikita mo na darating ang iyong mga suwerte sa buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa kasalukuyan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-10-11-15-20-38.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung nalamangan ka ngayon, lihim kang matuwa dahil ang kondisyon para mahulog sa harapan mo ang malalaking suwerte ay ang ikaw ay maisahan ng malalapit sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-11-17-21-24-27.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nagdaratingan ang magagandang bagay sa iyo mula sa malalayong lugar. Dumarating din at parang nagmamadali ang magagandang kapalaran mo mula sa hindi kalayuan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-19-25-28-30-33.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page