top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | May 21, 2024 (Martes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 21, 2024



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Mayo 21, 2024 (Martes): Papaangat ka nang papaangat hanggang sa maabot mo ang pinakamataas. Huwag mong kalilimutan na dapat nakasayad sa lupa ang mga paa mo at matuto kang mapagkumbaba.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong itapon ang iyong pangarap, lalo na ang iyong ambisyon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-10-15-17-18-21.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mababaw ang ilog na maingay. Ganundin sa tao, nagkukunwari lang na may alam ang panay ang kuwento na hindi ka na makasingit. Huwag kang bumilib sa kanya para hindi ka madaya. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-16-20-25-34-40.

  

GEMINI (May 21-June 20) - Kaunting salita, maraming gawa. Ganito mo harapin ang mga araw sa kasalukuyang taon. Sa ganitong paraan, mapapabilis ang iyong pag-asenso. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-14-23-28-33-36-42.

 

CANCER (June 21-July 22) - Hayaan mo lang na gabayan ka ng taong mas maraming karanasan kaysa sa iyo. Huwag mong isipin na ikaw ay kanyang pinangungunahan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-17-29-38-39-45.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong pilitin ang mga taong ayaw sumunod sa iyo. Siya ang mawawalan at hindi ikaw. Samantala, ang mga taong maniniwala sa iyo ay mapapabuti ang kalagayan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-12-26-34-40-44.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Bibigyan ka ngayon ng kaluwagan ng langit. Kaya samantalahin mo ang pagkakataong ito. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-3-14-28-32-38-42.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Maniwala ka sa iyong nakikita. Ito ang mabisang panlaban mo sa iyong hinala. Ang hinala ay imbento lang ng negatibong kaisipan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-19-28-37-42-45.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kumakapit sa patalim ang taong nagigipit. Huwag mo itong samantalahin dahil sa huli, babawian ka lang din ng langit. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-18-20-26-35-37.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Dito sa mundo, mayroon bang namamatay at agad na nabubuhay? Oo, mayroon at ito ay ang tunay na pag-ibig, kaya ihanda mo ang iyong sarili sa matamis na pakikipagbalikan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-9-18-24-35-43.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi ka kapos sa kakayahang mapaunlad ang iyong sarili. Ngayon mo na paghandaan ang iyong kinabukasan para sa masagana at masarap na buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-19-28-30-37-41.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Lumilitaw ang tunay na ugali ng isang mapagkunwari. Maghintay ka lang at mabibisto mo ang nag-aakalang ikaw ay kanilang maiisahan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-7-13-16-24-40.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Bumabagsak ang mapagmataas, habang umaangat naman ang nagpapakababa. Saan ka rito? Siyempre, dapat sa huli ka. Ito ang sikreto ng kapalaran mo para sa ganap mong pag-asenso. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-10-15-29-33-35.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page