top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | May 2, 2024 (Huwebes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 2, 2024



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Mayo 2, 2024 (Huwebes): Huwag kang magsawa sa kabutihang loob na ipinapakita mo sa iyong kapwa, dahil ito ang dahilan kung bakit ka pinagpapala ng langit.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mahina ka ngayon, pero ang kahinaan mo ay nasa mabuting gawa dahil ikaw ay makikitang magiging maawain sa mga taong pinagdadamutan ng kanilang kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-12-24-27-33-42.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Muling nagbalik ang mga suwerteng hindi mo pinapansin noon dahil abala ka ibang bagay. Anuman ang kalagayan mo, ang mga ito ay magsisidapo sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-14-25-29-34-43.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Magparaya ka. Mahirap itong gawin, pero ito ang pinakamaganda dahil sa pagpaparaya mo, ang langit ay matutuwa at pagkakalooban ka ng mas maraming biyaya. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-5-18-23-32-38-45.

 

CANCER (June 21-July 22) - Magbubukas ngayon ang pintuan ng grasya sa langit. Ang masayang balita ay nagsasabing ito ay sa iyo mismo nakatapat, ibig sabihin, ikaw ay isang mapalad na nilalang. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-17-25-28-34-44.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Kung saan naroon ang mga pangkaraniwang tao, roon ka. Ibig sabihin, piliin mong pakisamahan ang mga wala sa itaas ng lipunan. Sa ganitong paraan, ikaw ay makikitang sinusuwerte. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-11-19-22-31-40.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Maghahari sa iyo ang iyong damdamin kahit ang isipan mo ay nakakontra. Minsan, sa buhay ng tao, ang katwiran ay hindi pinahahalagahan kapag kaligayahan ang pag-uusapan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-16-23-28-38-41.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Lumabas ka sa sitwasyon na alam mong dehado ka. Nabubuhay ang tao para lumigaya at hindi para magdusa. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-15-22-34-41-45.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Muli, ipinaalala sa iyo na baka napapabayaan mo na ang iyong sarili. Oo nga’t magandang tulong sa kapwa, pero hindi maganda kung makakalimutan mo ang iyong kapakanan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-18-28-32-37-40.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Tumataas ang isang bagay dahil siya ay bumaba. Ibig sabihin, kailangang magkaroon ng pagbaba para magkaroon ng pagtaas. Huwag kang mag-alala kapag hindi ka muna tumaas. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-12-24-27-33-42.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong balikan ang kahapon dahil ang mas magandang gawin ay harapin ang mga bukas na darating nang may positibong pananaw. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-17-25-31-38-40.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mahina ka ngayon. Muli kang malalagay sa sitwasyon na hindi ikaw ang nasusunod. Gayunman, pansamantala lang ito dahil sa huli, ikaw na muli ang hari ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-13-22-31-40-45.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nasa mga kaibigan ang iyong saya, ligaya at suwerte, partikular sa mga dati at kasalukuyang kaibigan. Huwag mo nang asahan ang mga bagong kaibigan na hindi pa gaanong kilala. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-10-19-28-37-44.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page