top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | May 19, 2024 (Linggo)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 19, 2024



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Mayo 19, 2024 (Linggo): Hindi ka mauubusan ng mga suwerte. Simpleng pamamahinga lang ang kailangan mo kapag naramdaman mong humihinto ang dating ng buwenas sa iyong buhay.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magkahalong saya at hirap ang iyong mararamdaman, dahil abot-kamay mo na ngayon ang iyong mga pangarap. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-19-28-30-43-45.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ito ang araw na sadyang inilaan para sa iyo. Anuman ang gustuhin at pangarapin mo, tiyak na matutupad at magkakatotoo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-10-17-24-39-42.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Mabibilis at hindi magpapaawat ang mga buwenas na biglang lalapit sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-16-20-28-34-37.

 

CANCER (June 21-July 22) - Akala ng mga nananalo, siya lang ang nanalo. Ang hindi nila alam, ikaw ang may pinakamalaking panalo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-19-27-30-35-42.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Nakakatawa ang mga karibal mo dahil aakalain nilang susuko ka na. Ang hindi nila alam, patuloy kang lihim na sumusugod. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-18-21-25-34-46.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Maraming biyaya at pagpapala ang ibibigay sa iyo ng langit dahil sa nakita nilang kontrolado mo ang iyong sarili. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-16-23-38-41-45.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi ka dapat huminto dahil lang gumaganda ang takbo ng iyong kapalaran. Huwag mong kakalimutan na rito sa mundo, walang hangganan ang pag-unlad lalo na kung ika’y nagsisikap. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-2-19-27-34-38-44.

 

 SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Tatanggap ka ng regalo mula sa langit dahil sa magagandang katangian na iyong ipinakikita sa kapwa, lalo na ang pagpapasaya mo sa mga kapus-palad at musmos. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-16-21-25-34-40.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nakakatuwa kung paano ka mas susuwertehin. Makikitang ayaw mo sa regalo dahil ipinamimigay mo rin ito sa mga taong higit na may kailangan. Saludo sa iyo ang langit. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-12-18-23-38-42.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Bakit kaya may lungkot pa rin sa puso mo kahit ngayon ay nagsasaya ka? Ang lihim na dahilan ay naaawa ka sa mga taong nakikita mong walang-wala sa buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-11-14-28-30-37.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magsaya ka nang magsaya. Bakit? Dahil noon pa man at habang ikaw ay nabubuhay dito sa mundo, kapag masaya ka, lalo kang mas susuwertehin. Muli, magsaya ka nang magsaya. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-17-25-34-37-45.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mula sa malapit at malayo, ang magagandang kapalaran ay magdaratingan na. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-11-25- 29-32-40.


0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page